Birthing Experience

Hello mga mumsh pwede ba kayo mag share ng birthing experience nio whether normal or cs, kinakabahan kasi ako,sino nag shave sa inyo? Nakahubad ba kayo? May privacy parin ba? Nahihiya kasi ako sobra, pasensya na po anxious lang talaga, makikita ba nila buong katawan?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako Mi nung nakaramdam na ako ng labor linggo ng madaling-araw ay gorabels na agad kami ni hubby sa public hospital na pinag check upan ko, walang babaeng doktor na naka duty ng time na yun kaya lalaking doktor unang nag IE saken at hindi ko na ininda yun kasi mas nanaig sa isip ko na makaraos kami ng maayos ni baby. Nag trim lang ako kasi may phobia na ako sa shaving ng private part, then during labor na masakit na ng matindi napapabukaka ako sa kama na hinihigaan ko kahit pa may mga nakapaligid sakeng nasa kani-kaniyang hospital bed. Kahit pinagtitinginan ako wapakels grabe yung sakit x4 during dysmenorrhea, then nung nag 8cm ako dinala na ako sa delivery room at nakakatawa iniwan nila akong nagdudusa sa sakit sabi nung magpapa-anak saken namnamin ko daw yung sakit para mapaisip ako next time kung gusto ko pa manganak o hindi hahaha pero sobrang memorable saken yung araw na yun at talagang tumatak saken. Ngayon 5 months na kami ni baby, kaya mo yan Mi magdasal ka lang palagi at palagi mong iisipin na magiging maayos kayo ni baby. 💙

Magbasa pa
12h ago

hi po salamat po sa pag share po nangigil naman ako sa sinabi sayo no one deserves that na sabihan namnamin ang sakit grabe mapapanak ako ng wala sa oras sa galit sorro to hear that from you po

Normal delivery here, private hosp, ftm, jan 2025. pina shave ng OB sa nurses nung nasa delivery room na, not totally clean, siguro just enough for them to have a clear view haha. not hubad, pinagpalit nila ko to hospital gown before I go to the labor room. privacy? sa labor room, may curtains naman to separate each patients. syempre on the hospital employees, wala ka na privacy, they will check you from time to time kasi. My brother is a nurse, so malaki ang pang unawa ko na walang malice naman kung makita nila katawan ko, they are just doing their job haha. Slightly nakakailang kasi may time na may nag assist na lalaking doktor sa pag IE saken kasi sakto sya ang naka shift nung pagdating ko haha. Pero majority naman ng nurses and doktors ay babae. Also, kapag andun ka na, yung sakit nga ng contractions, hindi mo na maiisip yang hiya mo. 😊 Tapos like me, nagbibilang ako sa sarili ko ng 1 to 10 kapag nagppush ako every contractions, so occupied din talaga yung utak ko wahaha

Magbasa pa
2d ago

opo opens legs. hahahaha siguro kung ayaw mo sila magshave. linisin mo na or ipalinis mo sa partner mo a week before full term.

i was on active labor. hindi ako nahihiya dahil that is normal in the hospital. kung mahihiya man ako, hindi ko na maiisip na mahiya dahil sa sakit ng contractions. private ang OB ko kaya nasa private area ako ng paanakan. public hospital ako sa 1st born ko. hindi ko na napansin na ginupit na nila ung favorite kong dress (ahaha) nung hiniga nako sa operating room. may hospital gown naman, hindi nakahubad. pagod na pagod ako that day, dahil wala akong tulog simula nung nagstart ang labor sign ko. nagstart kasi ng 1am, nanganak ako ng 5pm. sumigaw pa ko sa OB na, hilahin nio na si baby. ang sagot ni OB, wala akong mahihila dahil hindi pa lumabas ang ulo ni baby. pero ramdam ko na ung pressure na lalabas na sia. kaya na-emergency CS ako. nakatulog ako during CS dahil sa walang tulog. sa 2nd born ko, gising ako during the CS. private hospital nako. nurse ang nagsshave.

Magbasa pa
3d ago

salamat po well appreciated po pag share nio ng experience nio..pwede po kaya sabihin to kay OB ndi tlga ako comfortable mejo conservative po kasi tlga ako😔

Vaginal assited delivery by vacuum. Dun sa ospital kung saan ako nanganak, may birthing suite sila, private room sya habang nag lelabor ako kasama ko ang asawa ko the whole time. Doon sa room na rin ako nanganak kaya talagang may privacy. Sa pain naman nakayanan kong hindi magpa anesthesia hanggang 6cms. Pero pagka-7cms nagpa-epidural na ako kaya naging painless na. Nakatulog ako until yung time na fully dilated na at iire na ako. Tapos pinatulog na ulit ako para ilabas ang placenta at i-stitch. Nagising na ako pagpadede na kay baby. Very happy with my birthing experience.

Magbasa pa
1d ago

mgkano ngastos po

Pwede mo naman sabihin na di ka komportable na makitaan ka pero di mo ba naiisip paano lalabas ang baby mo? Don't just think about yourself, ang isipin mo paano mo mailalabas ang baby mo ng safe pati ikaw. Kung sa public ospital ka manganganak talagang sermon aabutin mo kagaya nung nakasabay ko manganak. Bakit daw hindi maibuka sa panganganak kung sa pag gawa eh bukakang bukaka. Pinagalitan siya ng doktor kasi paano mailalabas anak niya. Nauna siya dun sa akin sa loob pero nauna ko pa mailabas yung akin kasi di ko na inisip yung hiya hiya kasi need mairaos ang panganganak.

Magbasa pa
6h ago

pwede mo siguro i-request na ikaw nalang maligo sa sarili mo pero kasi naka-dextrox na ko non tapos humihilab hilab na nang tuloy² tyan ko so need talaga alalay eh

Normal delivery , sa lying po ako nanganak. before ako manganak nagshave na tlga ako kasi kung hindi sila pa magshave nyan 😂 nagpalit ako nung gown . then sa mismong delivery room 2 lang nagpaanak sakin. 1 midwife at yung assistant nya. syempre need mo tlga bumukaka ng bongga para mailabas si baby ng maayos .. pagkatpos ko mailabas si baby tinahi din yung pempem ko. d ko na naiiisp masyado ano itsura ko basta gsto ko lang maraos

Magbasa pa
3d ago

salamat po sa pag share

Normal lang yang feelings mo. Ganun din ako nung una :) nung malapit na ako manganak siguro 1 week before nagshave na ako kahit d masyadong maayos pagkashave basta nabawasan ang mga buhok buhok. Then may damit naman ako nun daster pero wala ng underwear. Kapag time na rin ng labor at delivery d mo na maiisip yan kasi magfofocus ka na pano sya sa ilalabas :) kaya mo yan mamsh!

Magbasa pa
3d ago

thabk u po pwede kaya to sabihin kay Ob? ung concern ko pp Im not comfortable po tlga😔

Ftm mom and Cs mom here! Wag ka mahiya sender sa sobra dami na nila napapaanak bale wala na sakanila yan. In my case nag shave ako since sched lang sana ako ng IE. and habang sini-cs ako e nagsusuka pa ako so kalat sa muka hanggang sa hair ko. Anyway pag andun kana di mo na maiisip yung hiya ang iisipin mo nalang yung safe delivery nyo lalong lalo na si baby, goodluck

Magbasa pa
3d ago

salamat po ndi parin tlga ako confortable pwede po kaya sabihin sa Ob toh??

TapFluencer

Pag alam kong nakakaramdam na ko ng labor nag sshave na ako by myself, kahit di perfect yung pag shave. Kasi isshave din naman sa ER e hehehe. Wag ka mahiya mii, sanay po ang mga nurses at doctors sa ganyan hahah pag normal nga po napoop pa kasi kaka ire ☺️ pero dun po makikita na tama ang pag push mo, kapag ikaw ay napoop 🥲

Magbasa pa
2d ago

thank you po💓

sa 1st baby normal..ako mismo mag shave.. pero lalakeng midwife ang pumunas ng boobey ko para maka dede c baby pag labas. sa 2nd baby CS na.babaeng nurse ang nag shave skin.haha.. lalakeng OR nurse ang umalalay skin. niyakap ako ng naka lab gown lng at walang panty kita pwet 🤣para mainject na ang anesthesia s likod ko.. babae at lalakeng OR nurse ang assistant ng doctor kaya kita nila ang all 🤣. lalakeng nurse ang nag palit ng diaper ko sa recovery room bago ako itransfer ng bed.. deadma na ui! 🤣🤣🤣

Magbasa pa
3d ago

bakt po kita ung pwet ah pag tinuturok po ba ung anethesua sa likod ndi nakatagilid