Sss

Mga mums itatanong ko lang po sana yung about sa sss ko .. 31 weeks pregnant po ako.. 3 months pregnant po ako nung nagresign po ako sa work ko kasi sobrang silan ko po.. Ts nag voluntary member na ako sa sss nung january .. tatanong ko lang po sana if ano po mga need na ibibigay para maprocess ang mat 2 after pong manganak? At mababa lang po ba makukuha if voluntary member lang?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende yon sa contribution mo mamsh, per bracket kase basehan ng makukuha mong total amount ehh, tapos regarding naman sa mga kailangang requirements for mat2 ang pinasa ko lang is original copy ng birth certificate ni baby, photo copy ng 2 valid i.d, yung release paper ko from hospital na pinag anakan ko, andon naman na kase nakalagay yung medical details ko regarding sa panganganak ehh.yun lang mamsh tas yung mat1 form na sinoli sayo nung nag file ka ng maternity benefits mo

Magbasa pa
5y ago

salamat sis

Hi sis, kung nagpasa ka ng Mat 1 nung nasa company kapa ang fifill-upan mo na form for Mat 2 is separation from employer na hihingi ka ng letter from previous employer mo na wala pa kang na-receive na advance payment sa kanila. Check mo na lang dun sa website nila nandun naman lahat ng question mo.

mommy kahit hindi ka po magvoluntary ok lang as long as 6 to 9 mos. po ang nahulugan mo, sa mat2 naman po birth certificate ni baby na may tatak galing munisipyo, form na finill upan, account no./ receipt na galing banko na nag open account ka.

5y ago

Dba pag nanganak kana maternity reimbursement na tawag dun ?

Sasabihin naman po sa sss un kung anong mga req. Sa mat2 sis 😊

VIP Member

Eto yung binigay sakin na requirements na need for Mat 2

Post reply image