Am I selfish?
Mga mummies selfish ba ko kung mas pipiliin kong maging single mom? Nung una nung nalaman naming buntis ako okay naman pero hanggang sa tumagal wala na siyang ginagawa. Ni piso wala siyang binigay. Then hindi niya man lang ako makumusta kung ano na bang kalagayan ng pinag bubuntis ko, malapit nakong manganak pero ni hi ni ho wala. Kaya kong wala siya walang problema sakin, ang iniisip ko lang yung baby ko. Ayokong lumaki siyang walang daddy ?
For me, mas okay na single mom ka na lang kaysa ganyan. Marami akong kilalang single moms na super okay maging magulang and super saya ng mga anak nila kahit walang daddy, compared sa iba na may daddy nga pero wala naman pakialam sa kanila or puro away lang, ganun.
Ganyan din kalagayan q ngaun,iniisip q lng ang baby pero parang mas gusto q tumahimik nalang at huwag maghabol,palagay q tama na yung alam ng ama nya..kaysa ung ipipilit muh taz pagdating ng araw wala rin...better single mom,masakit pero kayanin
Tama lang momsh. Di ka naman siguro singyaman ng mga artista para magapon ng over-grown man na magiging sanhi lang ng sakit ng ulo mo diba? Ang pagiging daddy, kaya yan gampanan ng ibang lalake na mas may bayag kesa jan sa nakabuntis sayo.
Mas magiging unfair ka sa baby mo momsh pag inampon mo yang bayag na yan. Parang tinuturuan mo yung anak mo na okay na dumipe de eh. Mas maganda nang maging single and independent. Dun mo matuturuan ang anak mo pano maging strong.
Habulin mo sis. Siya ang ama. Deserve ng anak mo makilala tatay niya. Deserve din niya sustentuhan ng tatay niya. Kahit gaano kpa kagalit sa ama niya karapatan ng anak mo masustentuhan ng ama niya. Nasa batas natin yan.
Kausapin mo ung father ng baby mo sis. For the last time. Ask him if willing b sya pananagutan ig yes sana ipakita nya at mging responsable sya. If not then let him go. Hnd napipilit ang lalaki na ayaw.
Mas mabuti ng ngayon pa lang tigilan mo na yang lalaking sakit sa ulo. Kaya mo namang maging nanay at tatay sa anak mo. Di mo makikilala ang tamang tao kung mananatili ka sa maling tao 🤣
Matagal ko na pong hindi kinakausap. Ngayon ko lang naisip kasi malapit na ko manganak, iniisip ko yung baby ko kasi ayoko din naman lumaki siya ng walang daddy hays
Ay sis. Wala na ngang tatay anak mo sa sitwasyon mo ngayon e, hahanap hanapin mo pa? Aanhin mo pa magkaroon ng tatay eh wala ngang pakialam sa anak niya.
its not being selfish po momsh.. mas okey nga na lumayo ka sa mga stress at toxic na tao. mas healthy para sayo and for your baby..
Ayaw mo siya lumaki na walang daddy?! Eh kung ganyang klaseng daddy naman na napaka irresponsible at immature, huwag na lang oi!
Hindi po nakakamatay ng bata kung wala syang ama. Please. Women should stop thinking that way.