Worth it ang pagod

Hello mga momshie😊 Share ko lang yung karanasan ko nung pinanganak ko ang aking bb. March 11 ng 5:00 am nag lakad kame ng mister ko bili na din pandesal nung mga 5:30 am pauwi na kame sa bahay sumasakit na balakang ko tas puson ko. Pahinto hinto ako kase sumasakit talaga. Nung nasa bahay na kame lakad pa din ako ng lakad kase nasa isip ko parang ito na mukang manganganak na ako haha Asawa ko may pasok that time sabi ko sa kanya pasok na sya ayaw nya pa pumasok kase mukang manganganak na nga daw ako. Haaha sabi ko lang hindi pa ngumingiti ako sa kanya para pumasok na sya (gusto ko kase pag uwi nya ng hapon galing trabaho surprice sa kanya na nanganak na ako) Nung nakapasok na sya. Ang sakit pa din talaga momsh pero keri ko naman. Nung 10 am gosh pumutok na panubigan ko tinawag na ng kapatid ko yung kumadrona (Sa bahay lang po ako nanganak) Mga 10:15 dumating na kumadrona I.E nya ako 8 cm na na daw. Yun sobrang hilab na ng tiyan ko 11:32 am baby out hehehe hindi ako pinahirapan ng bb ko🥰 #1stimemom #firstbaby

Worth it ang pagod
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congratulations mommy 😍

4y ago

thankyou momshie🥰