Help po please :(

Hi mga momshies,may tanong lang po ako.kasi po after maideliver ni misis si baby,nagbago na po sya sakin.lagi nalang po sya galit sakin(kulang nalang sigawan nya ako).wala naman po ako ginagawa na ikakainis nya sakin.madalas ipinapakita na nya sakin na parang hindi na nya ako mahal o kailangan sa buhay nilang mag-ina.mahal na mahal ko ang asawa at anak ko.sana po mga momshies maenlighten nyo po ako...first time parents din po kami.maraming salamat po

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As a parent of 2, madalas ganiyan po ang nangyayari after child birth. Hindi po lahat nakakaranas pero karamihan, yes. Lalo na sa mga first time mom. Pagod, puyat, sakit ng katawan, walang time sa sarili, low self esteem - Yan po kadalasan ang nararanasan ng mga nanay kaya mabilis kaming mainis. My best advice is, support her, help her, make her feel pretty and loved. Kapag kaya naman kuhanin mo yung bata para makapag pahinga siya, tulungan mo siya sa gawaing bahay kahit simpleng pag wawalis, pag luluto o pag huhugas ng bote ng bata. Alam niyo, yung maliliit na bagay para sainyo, malaking bagay na po iyon para samin. Yung nararamdaman namin na andiyan kayo para tumulong saamin, malaking bagay na po iyon. Huwag niyong iisipin na porket kayo ang nag tatrabaho at nag pprovide ay okay na yon, tulungan din ninyo ang asawa ninyo sa mga gawaing bahay kahit papano. Kasi kayo may day off sa trabaho, pero kaming mga nanay wala, 24/7 po kaming nag aalaga at nag aasikaso hindi lang sa mga bata kundi pati na din sainyong mga asawa namin. Pag nakita ng wife ninyo, at naramadaman niya na gusto niyong tulungan siya, unti unti po babalik siya sa dati. ☺️

Magbasa pa