NEW MOMS

Hi mga momshies. share ko lang tong ma experience ko sa 1 month ng baby ko Alam ko lalo na sa atin mga first time moms na sobrang hirap ng adjustments kasi may inaalagaan na tayo yun bang everyday kulang ka sa tulog kasi every after 2 hours kailangan mong magpa dede sa baby mo minsan pa nga kailangan momg i'hele kasi di pa natutulog. Yun bang nagigising nalang baby mo early in the morning or late night tapos kailangan mo pang alagaan. At dahil new mom tayo kadalasan satin nakaka experience ng postpartum depression right ? Minsan feeling natin wlang umaagapay sa atin. Di natin alam kung anong gagawin Yung natutunan ko tlga mga momshie is HABAAN MO PA ANG PASENSYA MO. habaan mo kasi wla namang kamuwang muwang yung baby para pag diskitahan at magalit tayo kasi nahihirapan na tayo sa pag aalaga HABAAN mo pa kahit na nakakainis na anf asawa mo kasi parang di naman tumutulong sayo or may ibang inaasikaso or wlang pakialam or tamad HABAAN mo pa kahit na laging sinisisi sayo ng family mo pag umiiyak ang baby mo or kung ano pa man HABAAN mo pa ang pasensya mo kasi tayo NANAY na tayo habang buhay. Ipag pray nalang natin lahat yung mga hinanakit at sakit na nararamdaman natin. basta ang importante ang anak natin :) kaya sabay sabay tayong mga new moms. HABAAN PA NATIN PASENSYA NATIN ❤❤❤

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

God bless ☺️