23 Replies
wag niyo po damihan ng bili. 3 tiesides nga lang na tshirt binili namin at 3 newborn pajama. yung ibang gamit ni baby second hand. bigay lang ng mga kakilala namin. yung iba di na kasya sa kanya 1 month and 8 days palang baby ko. ambilis nilang lumaki. masasayang lang yung pera at damit. feel ko naman pag 6-9 months bilhin mong damit malaki masyado for newborn
kung masipag ka maglaba pwede na po yung 6 pairs. 6 pajamas, 4 tie sides shirt saka 2 long sleeve tie sides. mag extra ka na po ng tshirt kahit 2 pcs. mabilis lang po lumaki ang babies. saka depende pa ko gaano kalaki ang baby niyo paglabas. make sure na may allowance lagi ang damit na bibilhin para kay baby.
ako mga 3-6 months yung tie sides tapos 6months yung onesies. kasi ineexpectbko mahaba baby ko and majubis. 😅 base sa ultrasound kaya nilakihan ko na. diapers ang iniisip ko kung small na ba or newborn or baka konting newborn pang 1 week muna tapos damihan ko na yung small
hello mami 😙 ako ung 1st baby qu 6pcs lang binili qu mula sa baru baruan gang sa bigkis, lampin at necessary things. sa panahon ngayun ang bilis lumaki ng mga junakis 😁 minsan lang ako nabili pag talagang gandang ganda ako sa mga design style ng damit 😃🙂
No, mommy. Kaonti lang dapat kasi mabilis sila lumaki. Ako, as a first time mom, na-excite masyado, madami binili na clothes, ayun mga 1 to 2 times lang nagamit ni baby, tambak na lang sa cabinet. 😅😅😅mas okay kung may allowance yung laki. 😊
bili ka lang po ng ilang pcs.pwede na yung tig 6pcs lang,kc mabilis lang lalakihan yun ni baby,bout naman sa size'mas ok kung yung akma naman kay baby'wag yung sobrang laki ng allowance kc baka nman di sya maging komportable sa malaking size sa kany.
nung kami po binilhan si baby ko ng medium size po na damit, from new born up to 4 months ko lang nagamit kasi nakakapag terno pajamas na siya . tig 3 pcs lang po yung sleeveless, 3/4, at long sleeves niya and tatlong pajama, 3 socks and 3 mittens.
Malaki ung 6-9 months para sa newborn 😊 depende sayo kung madalas ka maglalaba. Sa baby namin 1 dozen na sleeveless and 1 dozen na shortsleeves baru-baruan, kasi madalas magpalit kapag naglulungad or napapawisan.
kahit 6 pcs ng tiesides lang para di ka mahirapan bihisan si baby sa hosp tapos 3-6 months na yung iba or up size. Buy ka na lang din pag nandyan na si baby para alam mo kung big baby sya or petite.
3-6 mos mas advisable po. as for dami depende sa plan nyong schedule pag laba. at least a dozen of clothes are okay if every other day ang laba.more, if mas matagal ang interval between laundry days