Frequent UTI

Mga momshies, naranasan nyo na ba yung pabalik balik na UTI? A month ago meron ako UTI. Naggamot kami then nung nagtest ulit at 29 weeks meron. 40-43 pa PUS cells ko. Nag medicate ko for one week ( Cefuroxime and yung water soluble na antibiotic as prescribed ng doctor) pero nung nagtest ako today 14-16 padin PUS cells ko. Naaawa na ako sa baby ko kasi nakakadalawang round na ako ng antibiotics, pangatlo after ng follow up ko. Ayaw ko na sana mag medicate kasi maliban sa magastos (485 each, I have to take 2 doses in 7 days, maliban pa yan sa Cefuroxime ko na 3x a day ) eh baka may adverse effect to sa baby ko. May mga nakaranas na ba nito and mga natural na remedy? Lagi ako umiinom ng tubig, halos masuka na ako sa dami. Gusto ko sana i try mag buko every morning and cranberry juice every evening. Thanks in advance sa sagot!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same here moms, ako nung 7weeks palng tummy ko nag antibiotic na ko then bumalik nanaman uti ko 12weeks naman tummy, magkaiba brand binigay ni ob ko, ngayon stop na ko sa antibiotic kase 5 to 7 nalng naman puss cells ko more water nalang ginagawa ko kase na stress na din ako kase ayaw mawala uti ko, 5months na now tummy ko I think nawala na uti ko, 2 to 3l ng water ako every day, tapos kain din ako melon at pakwan nakatulong din sakin para maihi ng maihi

Magbasa pa

Safe po yan sa buntis hndi ka naman ipapa undergo ng medication ni ob if masama sa baby mo. Mas maawa ka kay baby if dumating na ang time na manganganak ka at may uti ka parin....super kawawa si baby mag aantibiotics din sya turok dito turok doon...pakonti ng pakonti naman na mamsh eh tyagain mo na. Yes dapat more water ka and iwas din sa mga pagkaen na nagcacause ng uti like junkfoods. Mas mabilis kase mawala uti pag antibiotics kaya pinaiinom ka

Magbasa pa