CS Operation Experience
Mga momshies and mga sis sana may magshare ng personal experience nila on their CS operation para I know what to expect kasi sabi nila mejo mesheket dew ?
Emergency CS ako mommy kasi maliit pala sipit sipitan ko. Pero prior to that, 3 days akong ininduce due to pre eclampsia. Hourly monitoring ng bp, fetal heart rate at IE. So, zombie mode na walang tulog talaga. Nung nilagnat na ko at 12 hours ng pumutok panubigan ko. Na CS na ko. Hehe. Wala na kong pake nun. Yung takot ko sa CS biglang nawala. Gusto ko makita ko na baby ko. Dinala na ko sa OR tapos general anesthesia ginamit sakin, hindi epidural. Hiniga na ko sa operating room. Tapos yung parteng iCCS sayo may nakatakip na. Andun na yung anaesthesiologist. Mga doctor pati pedia ni baby sa OR. Pagkasaksak ng anesthesia, nilagyan na ko oxygen. Tapos nakatulog na ko. During operation, nagigising ako tapos sinasabi ko na di ako makahinga, nagpapanic ako. After operation, nasa OR pa ko kakatapos ko lang tahiin. Umupo agad ako. Nagpanic yung mga nurse nung nakita ako. Next na natandaan ko na lang nasa private room na ko nakapalibot family ko at asawa. Nanginginig yung katawan ko sa anaesthesia. Pero worth it lahat ng sakit pag ibibigay na sayo yung baby mo. 😊😊
Magbasa paI got emergency CS so hindi talaga ako prepared na maCS.. During operation, okay naman, smooth lahat. From anesthesia to recovery room. Pagbalik ko sa room ko, super groggy, d ko maramdaman half part ng katawan ko. Pagkaalis ng anesthesia, nahirapan dn akong gumalaw. Masakit. Pero after 2 days, pinilit ko na tumayo for fasteelr recovery daw. Nung 3 days na, medyo nkakalakad lakad na ako. At 4 days, lumabas na kami ng hospital. Yes, masakit ang recovery kesa sa operation itself. Kasi mararamdaman mo tlga ung mga tahi, not only external pati ung sa loob. Hanggang ngayon kumikirot kirot sya kapag malamig
Magbasa paof course kaya mo yan!! for your LO ♥️
36wks preggy with placenta previa