bigkis for baby

mga momshies meron pa ba sa inyo na gumagamit or plan gumamit ng bigkis kay baby pagkapanganak? hindi na daw kasi yun recommended ng pedia sabi ng friend ko pero mom ko nagiinsist na gumamit pa rin daw ako.

63 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy, Ako di ako gumamit ng bigkis habang may pusod pa si baby. Mas mabilis kaseng matuyo ang pusod kung hindi nakabigkis. Pag nag moist kase mas duon nagkakaroob ng bacteria, mas prone sa infection. Okay lang hindi mag bigkis. Alcohol and cotton buds lang panlinis every after palit ng diaper. Importante mommy yung gilid ng pusod ni baby hindi mamamaga or magkaron ng redness meaning kase non may infection yung pusod nya. Tas make sure din yung diaper nya hindi sumasayad sa pusod ni baby para yung ihi nya di napupunta sa pusod.

Magbasa pa
VIP Member

Hello po momshie. Sa two kids ko po nag bigkis padin ako. Pero inintay ko matanggal yung pusod niya at mag heal saka ko nilagay yung bigkis. Kaya naman di nirerequire ng mga Pedia yun kasi may mga momshies (di ko po nilalahat) na di nababantayan yung paglalagay ng bigkis, minsan nasisikipan at di nakakahinga ng maayos yung baby. Kaya pag may bigkis ang baby at kung plano mo man po ibigkis make sure to check it always. I hope it helps! ❤

Magbasa pa
VIP Member

Hindi na tlga sya recommended sis and i think tma din naman na di gamitin kasi mag cacause lang yan ng infection or baka mag nana pa eh kasi di masingaw yung init. always mo.lang linisin 2-3x a day gamit alcohol 70% isoprophyl paliwanag mo lamg din sa mama mo ganyan din kasi mama ko eh gusto bigkis pero inexplain ko tlga kasama pa doctor.kaya ayon naging okay naman

Magbasa pa

Nun 1 week old si baby at pinacheck up sa pedia niya, ang sabi niya modern na daw kami dahil wala bigkis not knowing na inalis lang namin 😂 then nun second check up niya nilagyan ko na pero wala naman sya sinabi..2 months na si baby pero nagbibigkis pa rin sya, lalo at malamig ang panahon..para daw po hindi lakihin ang tiyan at iwas kabag.

Magbasa pa

hindi n po recommended ng pedia nya well matigas ulo ng nanay ko. binigkisan pa din. napansin ko mas dumalas ang paglungad/pagsuka ng baby ko kahit hndi nmn gnun kahigpit. and wala naman nangyari sa tyan. ganon pa din nmn. tsaka hndi ako naniniwala na pmpaliit ng tyan yang bigkis.

Yan din sabi ng pedia ko kasi may chance na mapahigput at hindi makahinga si baby pero si mommy ko sabi ok daw na magbigkis. So sa huli mommy ko padin nasunod kasi mas mabilis matuyo pusod ni baby at hindi masyadong nagagalaw yun. Basta dapat hindi mahigpit ang bigkis po

Hindi na po ako gumamit. Lahat po sinasabi na bigkisan ko daw baby ko. Mama ko, tita ko, MIL ko pero di ko nilagyan. Sabi kabagin daw at mawawalan ng shape ang katawan. Bigkisan daw para lumubog pusod pero hindi naman nangyari mga yan kahit di ko binigkisan si lo ko

5y ago

Ako din mommy, andameng nagsasabi sa paligid ko magbigkis daw for my baby. Pero ayoko kse mas naniniwala tlga ako sa doctor.

kapag di pa tuyo ung pusod momshie wag mo muna bigkisan.. para mabilis matuyo... pero pgkatuyo ng pusod dun ko balak bigkisan para mpgbigyan din ung advice ng nanay ko pra daw hindi masyado kabagin c baby at suporta sa tiyan kpag binubuhat buhat😅...

VIP Member

Yes hindi siya ni recommend nang pedia kasi para matuyu agad ang pusod ni baby at madaling matanggal. Pero depende na po yun sa inyu kung lagyan ninyu basta ang importante ay nililinis lagi nang alcohol ang pusod ni baby para hindi ma infect.

VIP Member

Dati sa tatlong babies q nilagyan q po ng bigkis. Pang support lng po sa pusod pra d magalaw galaw. .pero ngayon sa bunso q hnd na aq nglagay. . Depende pa din po sayo kung ggamit ng bigkis. .ingat lng na hnd mahigpit ang pgkakalagay. .