Hi , mga momshies.. May katanungan lang ako, breastfeed ko si Baby, pero One Time may lakad ako/inasikaso. e bawal naman isama si baby kasi days palang siya, kaya napilitin kami na painumin siya ng formula pansamantala , kalahating araw lang namn siya nag formula which is NESTOGEN yung 0 to 6months.
then, nung kinagabihan pag uwi namin sabi nila nanibago daw sila sa tulog ni baby as in ang haba daw ng interval bago daw magising, di daw tulad pag nagbebreastfeed halos mayat maya ang gising .. tapos nung gabi din na nagising siya napansin namin ng asawa ko na parang namanas yung mukha? Yun bang parang nanaba yung mukha niya taz naningkit na yung mata ,parang nung pinanganak ko siya ?? Taz habang nagigising siya unti unti na din naglaho yung ganung look niya , bumalik din sa dati yung mukha niya , medyo namayat na kasi si baby dahil nagkasipon kaya nanibago ako sa mukha niya,Hindi ko alam kung dahil sa sobra sa pagtulog kaya naningkit yung mata o dahil sa gatas kung bat nanaba siya ng ganun? .Segundo lang ang binilang bumalik na ulit sa dati ang awra ng mukha niya ..Bakit kaya ganun?
Jony Go Cui Montemayor