Emotionally Abused..

Hi mga momshies.. I'm 3 mos going 4 postpartum and living with my LIP. From the start halos wala siyang contribution sa pregnancy even panganganak ko aside from nakatira kami sa sarili nilang bahay. Wala syang work kaya ako lahat ng gastos ni baby simula pregnancy hanggang ngayon. Wala ako reklamo sa paggastos at pagbabantay kay baby pero sobrang hindi ko na kaya ang treatment nya sakin.. samin. In short buhay binata pa din at konting kibot lang magagalit at hindi mamamansin ng ilang linggo. Knowing na kapapanganak ko lang at sobrang emosyonal ko wala siyang pakialam kahit ilang beses ko na sinasabi na huwag na kami mag away at need ko katuwang sa pag aalaga kay baby since wala naman sya work pero ni hindi nya mahawakan si baby. He even get mad at me since hindi ko sya ma pagbigyan sa sexy time since nagbbleed pako from delivery. He insisted na sa separate room kami ni baby dahil naiinterrupt tulog niya. I'm planning to leave na and mag stay na lang sa parents ko since wala namang bearing dahil parang sólo parent lang din naman ako. #advicepls #pleasehelp

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas better po kung don ka muna sa parents mo mag stay para may katulong ka din kay baby kasi mahirap pag mag isa ka lang. yung gusto mong matulog pero di ka makatulog kasi magigising agad si baby. baka di pa nagsisink in sa kanya na may baby na siya kaya ganyan pa rin siya umasta hays. lalo ka lang masstress kung dyan ka pa rin titira. kaya mo yan mamsh. pray lang po 🙏

Magbasa pa

🥺 Mas maganda pang maging solo parent ka nalang mommy kung ganyan din lang siya🥺 Pero pray lang mommy kay God na sana baguhin niya ang asawa mo 😇🙏🙏 Para sa anak mommy gagawin ang tama,❤️

tama.ibigay mo yung gusto nya na magbuhay binata.lagi namang nasa huli ang pagsisisi.ipakita mo na kaya mo kahit wala sya.pag nakita ka nyan na masaya ka na dun yan matatauhan.

VIP Member

Yes! True po yung nasa taas na comment. Hinid mo sya kailangan may pera ka na sayo kaya mo yan palakihin baby mo, ma bibigay mo needs at food ng bby mo.