Working Mom

Hello mga momshies. Ilang mos na po ang tyan ninyo ng mag leave kayo sa work? Ang work ko po kase is promoter ng isang brand ng phone. Lage nakatayo. And then malayo ung bahay namin, matagtag sa byahe. Nagwoworry po ako na baka mapaaga ang anak ko. #pregnancy #advicepls

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

At 33 weeks nagstart na ako magfile ng emergency leave kz nadiagnose ako ng threatened preterm labor..CSR po ako at naka wfh pero baka daw ung stress ang nakapagtrigger nun since hindi naman ako nalabas ng bahay..ginamit ko na lang muna ung company leave credit na 15 days tas start na ng maternity leave ko is Feb 8 which is sakto lang din sa plan ko (due ko is Feb 28)..complete bedrest din po ako kasi ung cervix ko is malambot at manipis..currently at 34 weeks na tas balik ko pa sa OB is by end of Jan for follow up check up.. depende po kz sa advise ng OB nyo or kung meron ka naman leave credits sa company nyo pwd mo po gamitin un mahirap irisk ang safety ninyo pareho ni baby lalo at lagi kayo nakatayo tas matagtag sa byahe baka magpreterm labor ka nyan..yan daw kz ang dahilan bakit nagpepreterm labor, ung lakad ng lakad, lagi nakatayo, natagtag sa byahe, akyat-baba ng hagdan at stress..

Magbasa pa
4y ago

salamat momsh.

Better seek the advice of an OB po but pakiramdaman nyo po sarili nyo if kaya mo pa po. In my case, nagstart po ako mag leave nung mismong araw na nanganak na ko since work from home ako. :)

Sakin po, Feb. 16 ang EDD ko, ang filed leave ko will start on Feb. 1. I'm currently on my 36th weeks. Pinagpipray ko na matapos ko pa tong huling week ng January. 😅

4y ago

Wow! Baka magkasabay pa tayo, momsh. ☺️

ako po.. 35 weeks going to 36 weeks.. still working parin po.. pero by end of jan. mag lileave na po ako.. pa 9months na..😊😊

nagwowork din ako sa hospital pero plan ko magleave pag 8 months na tyan ko

mas OK mommy mag maternity leave ka mga 7 months na po tyan mo

8 months :)