My greatest fear
Hello mga momshies, I gave birth to a healthy baby girl on July 11 via VBAC thanks God kinaya ko , she weighed 4.1kg ang laki niya hehe. May concern lang ako kasi sobra takot ko every time na papalitan siya ng damit at papaliguan namin si baby, nagwawala siya ng iyak at nagiihit pa madalas talaga yun bang napipigil niya hininga niya niya ng matagal at nangingitim kulay niya which is nakakatakot ng sobra kaya kahit may sabon pa siya sa katawan kukuhain ko na para padedein muna, lagi po ganun kapag papaliguan siya or kahit simpleng papalitan lang ng damit tapos kapag hindi siya nakukuha kaagad ganon ang nangyayari hindi ko alam kung paano mawawala sa kanya yung ganoon at paano magiging smooth yung bath time namin sa kanya natatakot ako ng sobra paano kung hindi siya makabawi ng hininga, paano kung mahirapan siya sa paghinga hindi din ako marunong ng first aid pinagaaralan ko pa lang, anyone na same situation any thoughts po or advice paano po kaya gagawin namin ๐#advicepls #pleasehelp
Bago niyo po siya paliguan, kailangan nakaidlip muna siya at nakadede. Usually kapag pinaliguan mo siya na inaantok magwawala talaga. 2nd check water baka hindi siya warm baka may nararamdaman siyang slight coldness pa rin sa water. 3rd wag mo muna basain ang ulo unahin mo lng ang katawan paa, hita, paakyat hanggang leeg dahan dahan pagbuhos ng tubig wag biglaan magugulat siya kaya siya iiyak. Then saka dahan dahan mong buhusan ulo. DApat nakamittens pa rin siya habang naliligo. Until 1 month hanggat di pa nagugupitan ng kuko dapat nakamittens lng siya kasing konting scratch sa balat niya habang naliligo magwawala sila.
Magbasa pahello po mommy try nyo po gawin ung loblob si baby bali po dlwang palanggana ang nakahanda ung isa may sabon ng halo pra lubog nyo lng po si baby mabilisang kuskos then next loblob sa isang palanggana na malinis ang tubig. and kung hindi pa rn po tlga kaya may mga no rinse formula po para sa baby na hirap po paliguan. Like mustela po. ๐ sa pngalawa ko pahirapan rn po paliguan namumula naman sya kakaiyak as in kya loblob ang ginwa ko sa knya.. then sa ulo at mga singit singit no rinse mustela ang gamit ko. 2 ko rn sya paliguan.. and kow na turning 2 na sya love na love na nyang naliligo ๐คฃ๐คฃ๐คฃ ayw na paawat...
Magbasa pathank you mami try ko po yang advice po ninyo natatakot kasi talaga ako pag papaliguan siya nahihirapan na siya sa pagiyak sa sobrang ayaw niya maligo jaya nakakaawa ๐ thank you momsh try ko po yan at sana effective kay baby
ganyan din struggle ko nung una, march 28 ko pinanganak baby ko, una kase karga sya pag pinapaliguan, tapos una binabasa ung ulo kaya result, iiyak talaga si baby which is di pala dapat ganon. ang ginagawa ko now, may planggana ako maliit tapos dun ko sya nilalagay, nakaaalay ung braso ko sa likod at ulo nya, ung lower part nya nakalubog sa maligamgam na tubig. nung 1st 2 months since di pa nila nya kaya umupo, may sapin na damit ung paliguan nya para iwas dulas, now kase matibay na likod nya kaya niremove ko na. result is nagtatapisaw na sya sa planggana haha no more iyak during bath time. 4 months na sya now
Magbasa pahindi naman, kasi mabilisan lang ligo sa kanya dati, wala pa ata 2 mins hehe tsaka pansin ko din sa kanya non nung una lagi ulo ung nababasa, nagkakasipon sya. wag nyo lang po tagalan ung paliligo tsaka check nyo po temp ng water and also baka habang nagpapaligo po kayo malamig naman ung area
ganyan pamangkin ko dati. wala nang sound madalas kapag naiyak sya tapos nag vviolet sya. ang sabi daw ay may butas ang puso kapag ganon. pero di namin sya napa check up nun. umaabot kami sa parang binubugahan na namin sya ng hangin sa bibig kasi nga nag iiba na kulay. ang sabi nung dr niya ngayon is sumasarado naman daw yun ng kusa in general pero mas maganda na maobserve kung mawawala sakanya yung ganon or hindi. sa pamangkin ko kasi ganon sya hanggang mga 4 years old yata sya. kaya di namin sya pinapaiyak talaga
Magbasa paganyan din yung panganay ko before, wala pa naman case na namatay yung baby kakaiyak,sabi nga ng matatanda mas maganda nga daw na umiiyak yung bata kasi nakakapagpalakas daw ng baga yun,kung lagi ganyan ang gagawin mo makakasanayan nya na lagi ganun,siguro sa pagpapaligo warm water lang tsaka mabilisang ligo lang,Hindi pa naman kasi grown up kid yung baby mo para magbabad sa tubig,may mga tutorial naman sa yt try to watch some of it para mejo may idea ka
Magbasa paโค๏ธโค๏ธll
wow congrats ang laki at cute ni baby. about naman sa concern mo mommy ask your pedia po para malaman kung may problem po ba si baby.. mas mabuting ipa consult mo po sya. kapag maliligo naman sya make sure na busog po and unahin mo muna ang katawan nya sa pagligo after i swaddle mo sya bago mo naman paliguan yung ulo nya para hindi po sya magiiyak sa pag ligo.
Magbasa paโค๏ธโค๏ธโค๏ธ thank you po mami ๐๐
mas ok na paliguan si baby pag busog siya momsh. Una mong basain yung paa niya para di siya magugulat pag binasa mo katawan niya. sa paa ka muna mag start momsh para di siya mabigla sa temperature ng water. Then dapat mabilisang ligo lang. wag mo patagalin kasi lalamigin si baby. closed doors dapat po para iwas lamig.
Magbasa patrue mumsh
momshie si baby ko ganyan na ganyan sya pero nong nag 1 month sya Hindi na ako gumagamit Ng mainit na tubig diretso na sa gripo malamig talaga Yung tubig simula non momshie palagi lng sya naka smile pag pinaliligoan ko sya Sabi din kasi ni mama wag ko syang sanayin sa mainit na tubig baka masanay sya
Magbasa paat first month ganyan din baby ko mommy. everytime na maliligo at bibihisan or huhubaran ng damit laging naiyak at nagiihit pa. pero nung tumagal gustong gustong na nya maligo. naiyak naman sya ngayon pag inaalis na sya sa tubig. regarding naman sa pagbibihis kelangan lang syang aliwin para di umiyak
Magbasa paโค๏ธโค๏ธโค๏ธ
hawakan mo momsh ung dalwang kamay para ndi sya naggulat , tas unahin mo katwan, dapat warm water po tlga saka make sure na busog c baby , gnyan din c first born ko may taon kung tawagin buti nlng po naenjoy nia ung bath time kasi tlgang nkktkot pag nag iihit na
sa ngaun gnyan din gngwa ko sa 2nd bby ko 17days old ndi kami nahhirapan paliguan , buti nlng enjoy na po c baby mo magbath time โค
Mom of two