TAON daw ng baby?

Hello mga momshies may gusto lang po ako ishare kasi meron akong 4yrs old na baby boy at 3months old na baby boy din. Sa panganay ko kasi syempre wala po ako alam pa kung pano alagaan ang baby at first time mom. Hinayaan ko po na magsuggest ang biyanan ko sakin at tinuruan nya po ako talaga mabait ko biyanan ko pero kasi may something na kinakabother ko. Yun po yung sinasabi nilang TAON sa baby. Naalala ko sa panganay ko meron ampalaya na pinainum sa kanya plus yung nakakutsara na kulay itim na lalagyan ng gatas at iddropper ipapainom po sa baby. Kahit nagdadalawang isip ako sa pinapainom sa kanya na yon araw araw plus yung tiki tiki nya hinayaan ko pong uminom panganay ko ng ganon nung baby pa sya. Pero pag wala po biyanan ko di ko talaga pinapainom. Pag nanjan lang po since sa bahay pa po nya kami nakatira non. Wala naman po nangyari masama sa panganay ko. Eto pong 2nd baby ko dito na po kami sa bahay namin nakatira with is isang bahay lang pagitan sa bahay ng biyanan ko nirerecommend na naman po nyang uminom ng ampalaya at ung something na itim. Eh aware na po ako sa sinabi ng pedia nung first check up po ng bunso ko lahat ng bawal at bilin ng pedia nakanote po sakin at isa napo don ay yung ampalaya at yung something na color black na yun. Isa pa buntis palang ako nakikita ko na sa fb na masama sa baby yun at may naospital na baby dahil doon. Lagi nya sinasabi sakin na pag sumumpong daw po yung Taon ng baby eh parang tinutusok po katawan nila non at mailalabas lang po yung taon na un kung iinom ng ampalaya at ung kulay black. Jusko di ko po hinayaan na uminom ung bunso ko non at aware na ako na bawal yon. Pati nga tiki tiki di talaga nirecommend ng pedia un pero pinagbigyan ko lang sya na ipainum ko sa baby kasi di pa naman daw need ng vitamins ng new born pure breastmilk lang sapat na at un lang din po pinapadede ko sa bunso ko. With is pag wala sya di ko rin pinapainom. Ask ko lang po any mommy po dito na ganito din po yung pinagaalala? Ano po story nyo and ano po ginawa nyo. Baka kasi magtampo biyanan ko pag nalaman eh kaso ako kasi yung nanay kaya dapat diba ako yung may say doctor na ung nagbawal eh kaso inuulit ulit nya talaga sakin. Please dont bash me po sa panganay ko talagang di ko pa po alam need gawin noon. Sana napigilan ko mali pala.

4 Replies

mommy, dito ko lang sa app nalaman ang taon. yan daw ung greenish spot sa pwet ni baby? which is mongolian spot ang tawag. may greenish spot din 2 girls ko when they were babies. nawawala naman un habang lumalaki. milk lang ang paiinumin kay baby. ang vitamins ay binigay sa babies ko nung nagstart na sila mag solid food.

halaaa, si baby ko po pagka-2mos pinag-vitamins na ng biyenan ko, sabi kasi niya pwede na daw po e, pero minsan nakakaligtaan ko siya painumin sa umaga, pero okay naman po siya, breastfeed po siya, okay lang po kaya kung tuluyan ko na po i-stop pagpapainom sa kanya ng tiki-tiki?

Nawawala po yung taon habang lumalaki si baby.. Yung sa akin po sinama ko nun si byenan nung check up ni baby para marinig nya sa mismong pedia na hindi kailangan ng vitamins hanggang 6 months kung breastfeed si baby

hello mie. eventually po mawawala din yung taon na sinasabi nila. wag na wag po magpapainom ng kahit ano sa baby lalo po at wala pang 6 months. sa pedia lang po maniwala pls. its better to be safe than sorry.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles