Share ko lang po..

Hi mga momshies.. Gusto ko lang ishare to kasi ang hirap hirap at ang bigat sa dibdib araw araw eto nararamdaman ko 24 weeks pregnant ako ayun yung nakalagay sa pregnancy track. Pero simula nung nalaman ko na buntis ako hindi pa ako nakakapag pacheck up.. Sobrang stress ako kasi ama ng dinadala ko iniwan ako bumalik sa dati nyang gf. 6 years na kami at buntis pa ako pero mas pinili nya pa din yun, mga sis sobrang nakakastress, yung wala kang kahit anong suporta na natatanggap, kahit sa fam ko wala.. Hindi ko alam anong mangyayari sakin nito minsn natutulala na lang ako, iiyak kasi di ko alam paano baby ko kasi kahit comfort sa family ko wala, check up wala, mas nasesermunan at pinamumukha pa sakin na sakit ako sa ulo,walang kwenta, nagpabuntis lang daw ako sa ex ko... Ang sakit sakit ng mga naririnig ko pagod na pagod na ako 😭😢#1stimemom

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwede ka po mag pa check up sa health center nang barangay nyo, wala naman po ung bayad. para mabigyan ka din nang vitamins and macheck nila kung ano na lagay ni baby mo,lalo na ngayon na stress ka mas masama un kay baby. pag dating naman dun sa bf mo wag ka pumayag na di ka suportahan kasi anak nyo yan pareho,gawin mo nalang ngayon pag pray mo and bigay mo kay Lord lahat nang iniisip and problema mo, tiwala lang kay Lord di ka nya papabayaan

Magbasa pa