16 Replies
Sis nung sa first baby ko ganyan din ako halos walang tyan. Pero makikita mo na yung konti bukol ng tyan ko tas 5 1/2 at 6mos biglang laki ng tyan ko kasi lumakas akong kumain parang late yung lihi ko tas yun 7mos halata na sya pero maliit pa rin tyan ko nung kabuwanan ko sabi naman nila sa balakang daw ako nagbuntis siguro ibigsabihin nila yung baby ko sinakop siguro yung space sa loob ko kesa mag expand ng sobrang laki. No need to worry kung normal naman yung size ng baby mo sasabihin naman ng ob kung kelangan mong kumain ng madami dahil maliit si baby or magbawas ka ng kain.
Same here mommy, going 4months na ko pero maliit pa din tyan ko but I prefer to keep it that way as long as healthy naman si baby. Mahirap kase mommy, pag masyado naten pinalaki si baby dahil mahirapan tayo manganak. Pero it depends naman, wala naman problema kung malaki or maliit ang baby bump naten. Ang importante naman is healthy si baby naten :)
22wks mamsh! Firstime preggy. Monnthly ako nagpapa checkup kay OB ko, normal naman daw, purong bata daw kase. And nung hindi pa kase ako buntis, busog or hindi 24 talaga bewang ko. Unang pa OB ko pa is mag 3mos flat na flat pa tummy ko may abs pa nga e. Kaya ayun suggest na ni OB na pa transv ako. Nung nag transv, 3mos na ❤
Mamsh maliit din sakin nung ganyang months ako sabi nga nila parang hindi ako buntis. Mas okay nga daw maliit, mas mahirap pag malaki. Nung nag6months ako saka lang lumaki tiyan ko, ngayong 8months nako malaki na talaga huhu kaya don't cha worry as long na okay si baby.
Ganyan na ganyan din ako dati iniisip ko din yan. Pero ayun nga sabi ng ibang mommies dito ok lang naman kasi minsan lumalabas talaga baby bump 6 months and up which is true. Sakin mag 7 months na nung nakiya baby bump ko.. Wag ka mag alala mamsh basta healthy baby mo
I had the same feeling mommy when I was pregnant. Yung tipong naiinggit ako kase yung iba ilang mos palang may bump na. Aken nun lumabas na lang talaga bump ko nung mag 3rd tri na. Dont stress yourself mommy. Importante wala kang nararamdaman na masama sa katawan mo.
Maliit din ung sa akin kahit 5months na pagnkahiga nga parang wala man laman tiyan ko eh 😁pero sabi ng ob healthy nman daw ung baby ko 2nd baby ko na. Maselan kasi tiyan ko sa pagkaen hanggang ngaun nagsusuka parin ako pag ayaw ng tiyan ko ung kinaen ko
Maliit din po sakin nung 4months tapos bigla na lumaki nung 6months na tapos heto ngaun 34wks parang bola... Hehehe pero maliit pa rin sya nakikita kong photos ng 34wks preggy sa ig. Normal nmn size ni baby and wala nmn concerns sa laki ang ob ko.
Sken po 6months na sobra laki ng tyan ko Un pala kambal tubig daw un sabi ni ob Ok nadin mamshie ung maliit ang tummy para dika mahirapan kumilos☺ Ako 6months plang tyan ko pero sobra hirap ng kumilos as in hinahabol ko tlga hininga ko😅
First pregnancy mo ba? And how about your body build? Kung payat or petite ka nmn eh normal lang yan, atleast pwede kpa kumain ng kumain dhil maliit pa tyan mo.