rushes ?
mga momshies ano po pwedeng igamot sa rushes sa mukha ni baby ? 1month palang sya pero parang lalong dumadami rushes nya sa mukha nya ?? thank you in advance ?
Based on my experience po and first time mom, nagkaron din po ng ganyan baby ko and advice sakin ng doctor, pedia and nurse namin sa hospital, normal lang daw po magka rush si baby kasi nag aadopt pa po sila sa paligid natin and ung ginagamit po na sabon or baby wash kay baby. Pero kung sa tingin nyu po medyo severe na ung rushes nya at pula pula sa mukha as your pedia na po kasi sila lang din po ung makakatulong kay baby. Check nyu din po ung water na ginagamit ni baby pag naliligo, ung sabon and ung paligid nya. Also ung ginagamit na sabon o detergent sa damit na gamit ni baby minsan po harsh sa skin nila ung detergent na normal natin ginagamit. Avoid kissing din po muna sa face.
Magbasa paSame case po sa baby ko mommy nagkaroon po siya hanggang dibdib pa nga he's 1month old going 2months this 20. Sabi ng mama ko baka sa init try mo i expose siya kapag umaga tanggalan mo lang ng medyas tapos sanduhan mo then minsan din kasi ang cause niya is sa sabong panlaba na ginagamit mo. May rashes parin po yung baby ko lately pero ngayon wala na kapag nililiguan ko rin siya yung pisngi niya nilalagyan ko talaga ng lactacyd.
Magbasa paiba iba po ang skin type wag tayo reseta ng reseta at wag din po tayo sunod ng sunod sa sinasabi ng iba. ipakita nyo po sa pedia yung rashes nya para sure po kayo na tama ang gagamitin nyo soap at cream sa skin type nya. wag maniwala basta basta sa iba. hindi po pare pareho ang balat ng tao lalo na sa baby.
Magbasa paNagrashes dn po s mukha c baby q, breastmilk lng po nilalagay q s mukha nya..den cotton with distilled water lng po panlinis s mukha after maligo since sensitive p po ang balat nila, wag mo po muna gamitan kht anong baby bath soap ung face nya bka po naiiritate, lalo po ngaun na mainit ang panahon
Ganyan din baby ko. Try mo mommy travocort cream sya. Manipis na manipis lng ipahid mo. Ganyan nireseta kay baby tapo pinainom din sya ng cetirizin alnix once aday for 5 days. Wala pang 3 days nawala na rashes nya. Pero i suggest that you still consult your baby's pedia.
sakin dati. sabi nang doctor ko hormones nang mommy pa daw yung rush ni baby ko,, 3 weeks nagkarush din po xa.. nauna sa paa hanggang sa mUka.. tpos nawaLa na.. cethapyL Lang po nireseta skin para kay baby... better yet ipacheck up nyo po c baby.
Mommy wag mo n palalain. Punasan mo n kagad yan ng breastmikk mo mawawala kagad yan.. Kawawa c baby kung lumala at kung ano p maipahid nyo. S LO ko days lng nawala n ganyan every morning ko sya pinupunasan ng gatas s mukha nya ngayon kinis na.
Wag po tayo magreseta mga momsh, di tayo doctor. Lahat ng skin ng babies magkakaiba. Kung ganyan na po karami ung RASHES, takbo na po agad sa pedia. Pag nag self medication ka baka lalong lumala. Please, wag tipirin si baby.
Yung baby ko din po. Johnson dati to Cetaphil. Ang observations ko, kapag everyday po napapaliguan, nawawala siya. Kapag naglapas ako isang araw bago maligo ulit bumabalik mga rashes niya. Siguro sa init. 1month old narin sya.
kung breastfeed po kayo mom try nyo po ipahid ung gatas na galing sa inyo, then wag nyo napo muna hayaan na ikiss sya ng mga may bigote kase one of the reason ang bigote kung bakit nagkakarushes sa muka ang baby.
baby#2 is coming ?