SSS Maternity Benefit

Hi mga momshie, tanong lang po regarding sa SSS maternity benefit. Nanotify na po ng HR namin yung pregnancy ko sa SSS last December 11, 2019. Kaso due to sensitive na pregnancy last February 24, 2020 nagresign ako sa work dahil nagka bleeding ako mas inisip ko health ni baby dahil need ko bed rest kaya nagresign ako. Yung mga SSS maternity forms ko di ko pa nakeclaim sa HR namin dahil sa ECQ. Pero sabi naman ng HR makukuha ko pa rin SSS maternity benefit ko. Ang tanong ko po papano na po proseso nun? Ang due date ko kasi is end of June until July 2. Sabi kasi need ko magpunta personal sa SSS branch. Makukuha ko ba yan before ako manganak and pano po next process dun? Salamat po sa sasagot.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Makukuha mo 1 month after manganak since wala ka ng employer. Need mo ipasa birth cert and separation form mula sa employer mo. Didiretso ka na sa sss..

5y ago

Kailangan po ba yung certified na ng PSA/NSO yung birth cert ni baby or pwede yung sa birth cert na finifill upan pgkapanganak yung sa civil registry?

VIP Member

sa sss mo na yun sis aayusin after mo na manganak,mag papa update ka ng voluntary...