TEAM DECEMBER ?

Hello mga momshie share nyo naman. sino sino na nakapanganak jan sa team december.? Ako 39weeks today wala pang maramdam ? Gustong gusto ko na manganak excited na ako. Natatakot ako baka ma-cs ako ??? give us some tips mga mommies. ?

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dec. 21 due ko sa utz pero Dec. 26 sa LMP, maaga ko nanganak Dec.04 lumabas na si Baby via Normal delivery nauna panubigan ko, actually mahirap yung sakin kasi from 1cm-10cm isang araw lang lahat sobrang ramdam ko yung sakit 11hrs labor, nung lalabas na Baby ko wala na ko energy πŸ˜…, 36wks6days baby ko sa LMP at 37wks4days naman sa utz, all normal naman saka pinagpray ko din kasi na sana 1st week at normal delivery answered prayer!, ang advice ko sainyo sundin nyo talaga maglakad lakad para bumaba agad tyan nyo at di kayo mahirapan gaya ko πŸ˜‚ btw nung pumutok panubigan ko wala din naman sign ng labor or contractions/hilab, kaya wag kayo magworry masyado chill pa nga ko ayaw ko pumunta ng ospital non feeling ko false alarm lang haha end up manganganak na nga ko nung nagpunta ko ospital inadmit agad ako kasi pa bugso bugso lang yung paglabas ng tubig ko non pag sumandal yumuko tumayo saka lang lumalabas, hindi tuloy tuloy kaya parang di ako naniniwala manganganak na ko. Kaya pag ganon din nangyari sainyo takbo agad sa ospital buti nakinig ako sa Asawa ko eh malayo pa naman ako non nasa bahay ako ng Parents ko sa Pasig eh Antipolo ako manganganak πŸ˜…

Magbasa pa

Same here. Dec 25 due date ko.. nagwoworry din ako kasi wala pang spotting or any sign 😟 38 weeks na tummy ko.. nakakaworry kasi wala pang sign.. minsan nananakit lang puson ko tas yung tiyan ko minsan nahilab.. pero minsan lang yan.. and then nwawala din agad pananakit πŸ˜” Lord God. Nawa makaraos na po ako... lahat naman ginagawa ko.. lakad lakad at kilos kilos. Lahat ginagawa ko para matagtag ako.. kaso parang no effect parin.. haysssss... wala pang sign. Waiting nalang talaga meeee... may lumalabas man sakin kaso yun green na parang sipon.. ayun lang.. kaso normal lang daw yun.. waiting nalangg

Magbasa pa

Hi supposedly dapat january due date ko but lumabas na si baby earlier than.my due .. 36week and 6days siya kaya need nyang mag incubator .. and its my.first baby so expecting the worse in normal delivery dahil din naunang lumabas sakin ang dugo which is more painful .. never forgotten.experience sakin ito but my doctor and her assistants give courage in bringing my.baby in.normal delivery

Magbasa pa

37weeks and 2days. Bumaba n din tummyko. my mga signs n din ng labor days.. Ihi ako ng ihi.. Tas feeling ko popong popo ako e wala nman nalabas.. Jan 4 pa duedate ko pero feeling ko di na abutin yun.. Gusto ko ng ipush everytime na naccr ako.. Hahahaha

Ako EDD ko Dec 15 nanganak ako nung Dec 10. Walking helps mommy sobra ☺️ kung may stairs kayo try mo lakad one step up tas baba na din continuous mo lang gawin tas pagnangalay paa mo, upo konti tas lakad ulit kahit magikot ikot ka lang sa bahay nyo. Goodluck!

37 weeks and 1 days. Wala parin sign pero sabi ki OB ko bumama ba tummy ko. Kaya anytime pinagreready asawa ko sa mga need na gagamitin. Dec 25 duedate ko.. wala pang sign pero ramdam ko na pakonti konti kumikirot tiyan at puson ko..

5y ago

Same tayo momsh. December 25 din due ko 😊 kaso wala pa din masyadong sign of labor

Update ko lang kayo mga mommy. Sa awa ng diyos nakapanganak nman ako ng maayos kaso induced sobrang sakit pero ok lang para kay baby. #blessed β€πŸ‘Ό

Post reply image
5y ago

pnagtake kaba sis ng primrose?

we're same 39weeks today...pero mdyo iba na pkiramdam q..sign nlng tlga hinihintay q..bka hinihintay pa ksi ni bby c papa nia..bkas na ang dating😁😁sana labas na bukas c bby😁

Same mommy im 38 weeks and 4/7 days pero parang wala pa hehe. Sometimes naninigas lang si baby pero nawawala. Kinakabahan din ako kasi 1st time ko manganganak.

Dec 31 edd lmp jan 4 edd utz No sign of labor, sa 18 mag 38 weeks na ko kung lmp susundin ko. Gusto ko na manganak ayoko mag overdue at ayokong ma cs hahaha