42 Replies
Sakin po nung 6weeks to confirm kung talagang buntis ako and 8 weeks para sa heartbeat ni baby, then 20 o 21 weeks cas. Then, ang dami pong naganap sakin na dalawang beses na ako nagpaER, pero check lang ng heartbeat ni baby ang ginawa ng mga OB sa delivery room using fetal doppler. Tapos netong last na check up ko with ob, nag ask husband ko if pwede ba kami mag request ng ultrasound kasi dalawang beses na ako nagpa ER, para lang masigurado na okay si baby hehe, lagi lang heartbeat chinecheck nila kay baby, sabi ng ob ko hindi kasi nila masyadong nirereco na magpaultrasound lagi, 3 to 4 is enough daw sa 9mos na pagbubuntis. Naka high risk of pregnancy ako due to hyperthyroidism pero sa awa ng Diyos wala at never ko naman naexperience pa ang bleeding.
wag po kayo matakot mag ultrasounds, wala pong masama dun. Sound waves po ang nacacapture sa mga ultrasound kaya nga po ultrasound, hindi po radiation yun kaya no bad effects. for monitoring po iyan kay baby o sa loob ng matres nyo. Tsaka bawas bawasan nyo po ang pakikinig sa matatandang kasabihan 2022 na po. Pwede kayong magfollow sa mga fb page ng mga experts mga kilalang OB, like Doc. Bev Ferrer or Doc Arbie and many more, para mainform tayo ng tama wag po sa marites makinig.
That's totally fine mii. Kung kailangan ka palaging iultrasound, then go. Ako sa bunso ko, every visit sa ob ko hanggang sa 36weeks inuultrasound niya ako kasi minomonitor niya kung tumataas ba yung placenta ko. So no worries, wag maniwala sa sabi-sabi. Trust your ob.
sa case ko trans v ultz lang gnwa sakin nung 6weeks ako . then every monthly checkup tinanong ko ob ko kung kelan ako magpapaultz ulit kasi kako nappraning ako kung okay lang ba sya sa loob ng tyan ko sabi nya hnd daw advisable na lging nagpapaultz dahil nakakasama dn daw un sa baby kaya next na ultrasound ko daw 6mons na sabay ng gender.
9 weeks ang unang ultrasound q nun at nkita dun my bleeding aq s loob niresetahan aq ng heragest o pampkapit after 2 weeks n pg inum nun pgblik q s check up inultrasound aq at ayun relief kc wl n ung bleeding bedrest dn kc aq nun.. ang ultrasound nmn is sound waves lng gmit kya ok lng at nsundn utz q 20 weeks pr s gender boy tlg...
ultrasound is totally safe dahil soundwaves lang po un, walang radiation. i have lupus and 28 weeks pregnant. every 2 weeks ako nagpapaultrasoubd since week 22 to check baby. as needed naman po ang ultrasound, just listen to your OB. and need nyo po ng request for an ultrasound, di lang walk-in, especially if biometry needed.
38 weeks now, super dami ko ultrasound halos monthly ako may ultrasound kasi minomonitor yng placenta ko kasi low lying ako, so far last ultrasound ko last week nag highlying na sya sa ilang buwan kng bedrest worth it din☺️ kaso nka cord coil c baby, but not big deal ksi kaya ng midwife ko magpa anak ng cord coil☺️
if advise naman ng OB mo okay lang yun. ako din ganyan nung 6 weeks palang si baby tapos after 2 weeks pinaulit yung ultrasound kase minonitor heartbeat ni baby. tapos nung 21 weeks din pinaulit din after 2 weeks ulit dahil sa size ng ventricles ni baby. ganun kase yun mi pag may minomonitor si OB mo kay baby.
baka ibig sabihin po ng nagsabi sayo nun ay yung doppler. un po ung ginagamit pang monitor ng fetal heart tone. yun po ang di pwede ng madalas pang check.lalo kapag maliit pa ang tyan ng mommy. iba kasi un sa ultrasound. usually OB mo naman nag rerequest ng Ultrasound lalo kung nay bleeding sa loob. 😊
hindi nmn po ako kc 6 weeks then 8 weeks tapos 13 weeks,20 weeks tapos may sched. po ako for cas ng 24 weeks, sa iba nga po monthly ultrasound kasama na sa ob check up kc may sariling ultrasoumd machine yun ob nila,same po s dati ko na ob monthly po ang ultrasound ko 11 years old n po anak ko
Mii Yana