✕

7 Replies

Hello momshie! Nakakalungkot naman na nahihirapan ang baby mo sa pagdumi. Mahirap talaga ang ganitong sitwasyon lalo na kung wala kang masyadong access sa professional medical help dahil sa weekends. Una sa lahat, kailangan mong tiyakin na hindi ito dahil sa ibang health issues ng baby mo. Kung hindi pa siya nakaka-poop for a week at umiiyak na habang umiiire, maaari itong maging senyales ng constipation o iba pang problema sa kanyang digestive system. Kung wala kang access sa pediatrician mo ngayon, maari kang magtanong sa mga pharmacist kung pwede mo gamitan ng suppository ang baby mo. Pero kung ako ang tatanungin, mas mainam na maghanap ka ng paraan para makapunta sa center, lalo na kung ganyan na ang kalagayan ng baby mo. Hindi ito dapat balewalain dahil mahalaga ang regular bowel movement sa kanilang kalusugan. Pero habang wala ka pang access sa tamang medical help, siguraduhing na hydrated ang baby mo. Pwede mong bigyan ng water (depende sa edad ng baby mo), o sabaw ng prutas na mayaman sa fiber. Bago mo gawin ang anumang hakbang, mas mainam na magtanong sa mga experts para sa tamang advice. Sana ay makahanap ka agad ng solusyon sa problemang ito. Ingat sa baby mo at sana gumaling agad siya! https://invl.io/cll6sh7

Sorry first time ko lang po mag post dito di ko alam bakit naka Anonymous. Btw Thankyou po sa inyo na appreciate ko po ng bongga. Baka napaparanoid lang ako kase may napanood ako sa fb na 10days di naka poop baby nya tas kumalat na sa buong katawan, dumami ung sakit. Mag chill nalang siguro ako at antayin ang baby ko hehe

TapFluencer

try mo po i massage tummy ni Baby, pa clockwise po at yung bicycle exercise sa paa para po gumanda bowel movements niya. M ore on liquid po din dapat si Baby, baka kulang siya dun kaya po nag constipated siya.

nagwawater na po siya? more water po. oats, sweet potato, spinach, pears, papaya (mga food starting with "p").

Nag kakanin, biscuits, fruits na din po and matakaw naman po sa tubig. Bf din po sya saakin

VIP Member

e massage mo po palagi. i love u massage at iba pa, pati paa nya. search niyo po sa fb or tiktok.

VIP Member

Try giving your baby a warm bath to relax their bowel.

VIP Member

more water and papaya po at massage mo din po mi

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles