gutumin ba talaga?

Mga momshie pag ba pregnant, matindi at maya't maya talaga ang gutom kahit na first trimester palang? Kasi ako ganun. Di ko maintindihan, yung gutom ko parang ang tindi ng sakit ng tyan ko. Mainit na parang gutom na gutom. Pero pagkumakain na mabilis naman mabusog. Ganun din ba kau?

105 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako,3 months preggy wala akong gana kumain .takot rin ako sa tubig..at sensitive yung pang Amoy ko.panay suka pa!

VIP Member

Iba iba momsh... ako date wala akong gana sa lahat. Ayoko kahit tubig... baka ganyan ka maglihi... good for you. 😊

VIP Member

yes po .. but hinay hinay sa kanin .. nakakalaki daw po ng baby un .. hehe .. kain is life sa mga buntis

Yep2.. nagsubside sa akon around 2nd trimester.. pero ganyan ulit pag pasok mo ng third trimester.. haha

Yes momsh. Ganyab ako nung 1st trimester. Khit ngyong 3rd tri takaw pdn pero in moderation na

VIP Member

Yes po pero moderate lang po. Baka lumaki si baby sa loob ng tummy mo. Dapat healthy foods.

Ganyan din po ako pag di agad nakakain nahihilo tapos masusuka😅

VIP Member

normal lang po yan mommy. ako din mabilis magutom at mabusog hehe. 8weeks preggy here😊

ganyan din ako maya't maya gutom tapos kapag kumakain nako parang nasusuka nmn ako 😁

VIP Member

Case by case iba iba kc tayo sa pagbubuntis..pero possible talaga na gutumin pag buntis