My Birth Story: Team June'20

🙋 Hi mga momshie 🙋 💁Meet our little prince Baby Ethan Gabriel P. Jayme 👶 EDD LMP:June 30'20 EDC via UTZ:July23'20 DOB:June 25'20👍 Trimester:39weeks & 2days Via Normal Delivery🚑 LBS:4lbs My 2nd Baby:Baby Boy👶 Share ko lng din po sa inyo ang labour day ko,Di rin po madali, nung june 24 po naglalakad akyat baba po ako sa park namin'exercise at squat po🚶🙆 taz umuwi po ako kalaunan ng hapon,,panay ang lakad ko kasi yan lng yung araw nah nakalabas ako at pumasyal,,taz pagka 1am po biglang sumakit mga balakang ko at sa harapan'akala ko po normal lng yun kc nanibago sa exercise ko at tsaka nasa harap ko ang ceiling fan'eh kala ko baka nahanginan lng masyado..pagka umaga naligo ako tapos sumakit na nmn nga mga ilang minuto,uminom ako ng salabat at hinaplasan ko tyan ko at likod ko.. Bandang 1pm parang iba nah iniisip ko kc sumasakit nah talagah at parang hinihila pababa ang puson ko at likod,,so ginawa ko nag monitor ako ng ilang minuto,hinala kona talaga na baka manganganak na ako ,,kaya nung nalaman ko na every 8mins.ang hilab ng tiyan ko,bandang 3pm my discharge na ako na malagkit my halong pula..eh' madali tumawag na ng ambulance ang byanan ko pra dalhin ako sa centro namin..Ng nasa centro na kami'ay di ganon kadali,kc dami pa ng inasikaso nilang UA sa kin at BP,taz tumaas pa BP ko non,,130/90 tas inulit nila maya'x salamat nmn at bumaba na ng 120/80..pero hirap na ako nun dahil sa dami ko ng sakit naramdaman dahil sa contstraction ni baby ko,ng pinahiga ako ng midwife di ko alam pumwesto dahil pgkahilab ng tyan ko parang nawawalan ako ng lakas sa left side,,kaya bumangon ako at nag squat ng dahan'x,,buti hindi nagtagal lumabas na water bag ko..dali'x ako pumunta sa delivery room para umire... Mga momshie di parin ganun kadali 😢 kc mababaw lng ang hangin ko,pagka ire ko ng 3beses di parin cya nakalabas,nanghihina nah talagah ako momshie kaya pinarelax muna nila ako,tapoz ng ilang pahinga ay sarap ng umire kaya tinudo ko nah talagah,ng sabihin ng midwife nah lumabas na baby mo very good👍 very good time out 5:16pm.Sobrang tuwa ako dahil nairaos ko baby boy ko at safe kaming dalawa,umiyak nah cya ng umiyak ng nakahiga sa tyan ko😢😍 di mn madali pag labour ko mga momshie pero ng dahil sa trust ko ky GOD at sa lakas ng loob ko ay nakayanan ko mga momshie💪👩💪 nasabi ko nah Thank You Lord Jesus Christ🙏 Maraming salamat mga momshie 😊 kaya natin toh! Tiwala lng talagah 🙌🙏 Godbless sa manganganak pa 🙌 at keep safe mga momshie😍👪

My Birth Story: Team June'20
42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Any time ngayon pwedi na din ako manganak kaya lakad at squat ginagawa ko. First baby ko din to kaya excited na may halong kaba din nararamdaman ko. Good luck at God bless sating lahat na ka buwanan na😀😀🙏🙏🙏🙏

Congrats po. Ganyan din nararamdaman ko til now pati dugo ko kahapon 130/90 peru pina uwi ako kahit dami kuna discharged kase 2cm pa at need ko ng isang bag na dugo. Huhuhhu Sana makaraus na din ako kase masakit na talaga sya. Ftm here

4y ago

Naku bat kapa pinauwi eh normal lng nmn yan,i mean pgka 2cm,e u ako nga pgdating ko don 6cm nah,taz bigla nag 9cm nah don pumutok water bag ko..sana mkaraos kana rin momshie...

Team july here. . at first time ko po. . sa palagi ko pong pag babasa ng mga messages. . lalo na tuloy akong kinakabahan.. Wooohhh pero laban lang. God bless to us.

Congrats mommy ako din po nag LA labor now 2 cm na naskit na balakang ko tapos medyo nadin sa tyan natigas medyo nahilab nadin. Maya punta ako ng doctor

Congrats momsh . Mabute ka pa nakaraos na , ako due ko na ngayon pero wala pa din sign of labour kinakabahan na ko

Wow! Congrats momsh😇 Pareho tayo ng 1st name ni baby boy.. August po ako manganganak😇

I'm 37 weeks now mommy sumasakit na tiyan q pero binibilang q padin po ung hilab

4y ago

Ng galing po aq sa OB q now.insert nya na po aq evening premorose..medyo sumasakit na puson q

VIP Member

Congrats po! 💕 thank you sa pag share ng experience ❤

Congrats po and God Bless sainyo ni baby . 😇😊

VIP Member

Congrats momsh . Nakaya mo 4kls momsh ??