14 Replies
FTM here. We didn’t announce na preggy ako pero hindi namin tinatago kapag may nagtatanong. Kahit sa family members and close friends pa ‘yan. Hindi rin kami mapost sa soc med. Ang mga tao, may masasabi at may masasabi about your pregnancy (unsolicited advices, comments, opinions, comparisons, etc). Emotional ang buntis at lahat maaalala, kailangan nating umiwas sa stress kaya we should protect ourselves for our peace of mind. We believe din kasi sa evil eye. May mga takng hindi masaya sa nangyayari sa life mo and they will wish something bad happen to you. Tsaka na lang kapag nakalabas na si baby. Applicable to sa’min kasi nakabukod kami ni hubby 😊
Alam na ng family namin and immediate friends nung umpisa pa lang. Pero iniwasan talaga namin magpost and at the same time may takot ako, kasi andami kong kasabayan friends non sa FB na todo post ng PT pa lang tapos magtataka ka bakit wala ng update, only to find out na nakunan sila. So todo bilin ako sa mom ko na mapost sa FB na please hayaan kami mag announce pag ready na kami. Inintay ko muna yung results ng CAS ultrasound to make sure ok si baby. Pagpasok ng 3rd trimester, on my birthday. Dun ko nireveal sa socmed para sa mga Marites hahaha
hindi namin inannounce na preggy ako pero 6mos nun nung nagpost kami ng new house late post pa nga yun .. 6mos bump ko sa pic pero 7mos na ko talaga nung pinost ko napansin lang ng mga nakakita sa picture na visible yung baby bump ko😅 naniniwala kami sa evil eye .. hindi lahat masaya sa kasiyahan natin.. pero di namin tinatago preggy ako mga tao sa personal at malalapit na relatives alam nila na preggy ako pero sila mismo sinabihan ko wag magppost ng kahit anu comment sa fb ko na halimbawa "hoy buntis"
hi, Mi. galing po ako sa miscarriage before itong pregnancy ko ngayon. nagannounce po kami sa family and selected friends 6mos na. hindi po ako naniniwala sa pamahiin pero natrauma po kasi ako na magaannounce tas di pala matutuloy. marami pa rin po di nakakaalam ng pregnancy namin. gusto ko po kasi yung sure na sure na, yung kasama na namin sa tabi namin si baby na healthy.
3mos po
5w 6d plng, excited kc partner ko at buong angkan nya, gusto ko sana pag 4mos na eh. ung sakin naman may scientific explanation pero nagpremature labor ako nung 10w bc of yeast infection & uti. buti kahit bigat lang ng puson ramdam ko nagpacheck ako agad humihilab na pala sya. pray lang ng pray un lang talaga kakapitan natin mga mommies 🙏🏻
ok po ba si baby mo maam pag labas?
walang announcement 🤭 nalaman namin 3months na. then di rin namin pinagsabi. basta nalaman na lang nila malaki na tyan ko 😊 being pregnant is a sensitive stage for me so as much as possible ayokong pinapakealaman ako sa mga ginagawa ko. it helped me and my baby. hindi ako stress.
36wks haha. Pero family and officemates syempre alam nila from the start. Miscarriage kasi 1st pregnancy ko kaya nung nabuntis ako uli low key lang kami. Nung 36wks nagpa maternity shoot kasi ako and ayun pinost sa social media.
Namiscarriage ako before mie kaya hindi rin kmi nag announce. Family members and closest friends lng nakaalam. Nagpost lng ako sa fb ng 1month old na si baby. For me, mas ok yun 😊
Hindi naman need mag announce Family members lang naman sapat na makaalam. Hindi naman lahat ng tao magiging masaya para saatin kaya much better na kayo kayo lang nakakaalam.
sinabi lang namin sa immediate families namin ng husband ko. saka ko pinost nung nakauwi na kami ni baby from hospital 💗
Tey