..........

mga momshie, ilang months nyo bago nyo naramdaman yung baby nyo? ako lang ba yung 6 months preggy na pero hindi kopa din maramdaman si baby?

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

depende po kasi sa placement o pwesto ng placenta natin anterior (located sa front ng uterus) or posterior (sa located sa back part ng uterus) pero parehas pong normal ito. ang kaibahan lang mas mabilis o maaga mararamdaman ang movements ni baby kapag naka posterior ang placenta kaysa sa anterior dahil nahaharangan sya ng placenta. pero kapag nasa 3rd trimester kana po ramdam mo na na yan kasi mas active na ang movement ni baby sa ganyang phase

Magbasa pa

Sabi nila if first time mom ka hindi mo agad mararamdaman. Pero in my case momsh, mga 20 weeks or 5mos ko na naramdaman talaga ang galaw ni baby pero prior to that may mga parang bubbles or butterfly ako sa tiyan na nararamdaman and sya na pala yun. If I were you, iiinform ko ang OB mo para sure lng and iwas worry. Pacheck na rin ang heartbeat nya.

Magbasa pa

by 6 months ilang weeks mi? kasi ako almost 21weeks ko na nafeel. very faint lang ng una.. tas parang di pa ko sure kung ano sensation kasi FTM ako lol..others describe it as bubbles and butterflies.. to me its more like kumakalam yung tyan ko pero di ako gutom ..

pwede ka namang magpacheck up ulit kay OB to know talaga if ok si baby by 6months (24weeks na to kasi) usually malakas or ramdam na si baby. kahit anterior placenta pa po, ramdam na si baby nyan. sa 1st baby ko 18weeks sa 2nd baby ko 14weeks by 6months sobrang likot na

Magbasa pa

6months preggy din Ako bihira kolng maramdaman si baby pero Ng nag pa ultrasound Ako ok namn si baby siguro sa sobrang laki Ng tinaba ko at sa sobrang tigas Ng tiyan ko mag buntis Ngayon at sa laki din Ng tiyan ko mag buntis kaya sguro hnd ko sya masyado maramdaman gumalaw

depende yan sa placement din ng placenta... if Anterior placenta parang cushion na nakaharang sa harap kaya hindi agad nararamdaman ang kicks ni baby... sa akin Anterior placenta ko 22weeks ko na naramdaman si baby

Ako po at 18 weeks naramdaman ko na si baby. Minimal lang noong una, pero simula nung alam ko na na siya yung gumagalaw, kahit small movements ramdam na ramdam ko na. Ftm po.

12-13 weeks posterior placenta may nararamdaman akong parang bubbles and pitik and after 19-20 weeks feel ko na talaga na sya na ang gumagalaw

Sakin simula 16weeks(4months) ramdam ko na sia. Ngayon naumbok na ung mga sipa niya sa tyan ko. Exactly 7months ako ngaun. 🥰

Same mommy ako nga 7months na tummy ko pero diko paden alam na buntis ako non😅 pero ngayon eto 3months na si baby ko nung 20

Related Articles