Mahinang galaw @27 weeks and 5 days 🥺

Hello mga momshie. Ask ko lang sino po dito yung 27 weeks preggy. Bat kaya ganon? Parang diko na gaano feel galaw ni baby? Samantalang nakaraan malikot siya. Possible po ba yun na nag iiba? Pero nagalaw naman siya minsan di lang gaya ng dati na nagugulat pa ako sa biglang galaw niya. Ngayon kasi parang humina po tapos madalang. Bakit po kaya? Sana may sumagot po. 🥺 medyo worried po ako. Ang ini iniexpect ko po kasi mas lalo siya magiging malikot. I'm currently 27 weeks and 5 days via LMP. #advicepls #1stimemom

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganan dn nangyari sakin at my 30thweeks. normal ang bilang pero ung quality ang humina. sinabi ko agad sa oB ko at pinapunta ako sa Er. pinagawa sakin un Bps with Nst. my heartbeat sya pero pg gumagalaw ay bumababa, fron 140 ay bumababa ng 62. inadvised ako na iconfine to monitor but unfortunately, positive sa antigen. nkiusap nlng ako na kung pwede home monitoring ako. drink plenty of water, atleast 6L daw and bumili dw ako ng fetal heart monitor. then twice a day, tinatanong ako ng oB kung kamusta na. after 2 days, bumalik na ung lakas ng paramdam ni baby. sana okay ka lang din mommy.

Magbasa pa
4y ago

u need an ultrasound gel, pero aloe vera gel ang gamit ko madami namang tutorial sa youtube depende sa model/brand. iba2 po kasi ang console nun.

VIP Member

Pag ganun mamshie try drink ng water or kain small frequent ng sweets or pa play ng music pag hindi pa din sya nag response need na talaga informed si OB ngaung 3rd trimester ko yan ang unang unang bilin sakin ni OB ung movement daw ni baby I monitor ko lalo na ako na maselan mag buntis.iwas stress po and mag isip ng mag isip kasi malaking factor din po yan kay baby❤️🙏

Magbasa pa

May nabasa ako pag di ganon kagalaw si baby sa loob, either kulang yung oxygen sa loob or di siya nakakakuha masyado ng nutrients sa placenta. Pero madami naman po way to stimulate try to poke your baby bump, flashlight, higa ka sa left side mo, lakad lakad ka then rest. Kain ka din sa tingin mo favorite ng baby mo, it helps po and drink cold water 😊

Magbasa pa
VIP Member

pag ganyan ako na hindi ko kagad maramdaman galaw ni baby sa sobrang worried at paranoid ko umiinom kagad ako ng CHUCKIE/CHOC-O and after ko uminom ayan na gagalaw na sya ☺️ try mo mommy kasi magiging hyper si baby sa chocolates pero moderate lang ah. ☺️

VIP Member

same tayo mamsh biglang hindi na malikot si baby nagwworry na din ako 🥺 pinapatugtugan ko din siya tsaka nakain din ako matamis pero madalang ko siya maramdaman tapos mahihinang galaw pa

Ganyan din po skin hnd ko din po masyadong gumagalaw c baby i'm 34 and 5days na po c baby sa tummy ko normal lng nman po un kc lumalaki na po xia sa tummy ntin

VIP Member

normal po yan momsh basta pakiramdaman mo sa isang araw atleast may ramdam kang galaw nya, sabi kase ni ob natutulog din si baby sa loob ng tummy

May time din po kasi na tulog si baby, pero dapat every after meals nagalaw sya tsaka pag at rest ka po. Try mo orange juice baka makatulong.

mommy if its 10kicks within 2 hours okay lng yun...if less than 10kicks or movements contact ur ob...monitor nyu po momshie...

4y ago

Sa loob po ng isang araw mamili ka ng time na active si baby then within 2hrs dapat may 10kicks sya.

Same here 🥺 25weeks and 6days nako ngayon biglang hina worry na worry na po ako hays