UTI 5 MOS PREGGY

Hello mga momshie, ano kaya ang pwede kong inumin 5 mos pregnant ako and may UTI tapos cefalexin na antibiotics lang ang nireseta sakin midwife ko. Any suggestions po kung ano yung pwede kong ipalit dahil natatakot akong uminom ng antibiotics. 😥#advicepls #pregnancy #pleasehelp

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh pa 2nd opinion ka sa OB pero antibiotic din ang irereseta sayo. Mas matakot ka kung di gagaling ang UTI mo.. Safe naman inumin ang antibiotic basta naireseta sayo at kumpletuhin wag hintuin ang pag inom nyan.. Alam mo ba kung anu maari mangyayari pag untreated ng antibiotics ang UTI? Posible mag premature labor o kaya kung term naman si baby pwede maipasa sakanya ang infection na tinatawag na Sepsis at sya ang mag antibiotic pagkalabas kawawa naman ang baby kaya dapat kaw na mismo magpagamot sa UTI mo.. Inom ka din maraming water. Btw nagka UTI din ako bago manganak at nagkasepsis ang baby ko napakadelikado naconfine ng 7days sa Nicu na napakamahal ng bayad umabot ng 100kplus buti nalang gumaling siya.. sakanya palang bayad yun iba pa bayad sa panganganak.

Magbasa pa
TapFluencer

Pacheck ka sa OB mismo mi. More on buko juice or cranberry juice din.