Pagmumuta sa mata ni baby

Hello mga momshie 11 days palang po baby ko nagmumuta yung isang mata nya almost 3 days na nagpacheck up po kami then niresetahan kami ng gamot na 600plus yung presyo pero napakahirap pong hanapin nung gamot nayun sa mga mercury out of stock. may iba papo bang paraan para sa baby?? which is sabi ng iba karamihan daw sa newborn baby ang pagmumuta ng mata? #advicepls #pleasehelp

Pagmumuta sa mata ni baby
32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din nangyari sa, baby ko e hindi ko, din, agad pinadoktor nagsearch muna ako cmpre sa google youtube at dito cmpre ano pwede gawing firstaid. Sabi normal lang daw yan lalo na, sa mga newborn barado lang daw ung tearduct hihilutin lang daw un (search mo nalang sa youtube pano ang hilot na gagawin) actually effective naman siya kasi nabawasan ung pagmumuta ni baby kaso hindi, sia, totally nawala sa case ko ah so ayon tumagal ng 3weeks or 2weeks ung saken tapos nagask na ako sa, pedia niya kasi nga nabawasan lang pagmumuta niya pero hindi totally nawala so niresitahan ako ng pedia ng gamot pampatak 3times a day for one week para sken effective and sulit naman kasi wala pang 3days naging ok na ung mata ni baby sinasbayan ko din ng hilot 650 din ung niresita skeng pampatak

Magbasa pa
Post reply image

mommy nacheck nyo po ba dun sa kung san kayo nagpacheck up kung available ung gamot na naireseta sa inyo? madalas po kc ang makikita sa mga pharmacy is yung mga lubricant eyedrops ska mga antibiotic eyedrops na madalas na ginagamit.tapos kapag po nagmumuta,pwede kayo gumamit ng cottonballs na binasa ng distilled water para lumambot ung muta sa mata

Magbasa pa

Okey napo mga mamshiee from bulacan sa navotas papo nakabili ng gamot yung byenan kong lalaki dahil sobrang hirap pala talagang maghanap ng ganitong gamot para sa mata ni baby as of now medyo okey naman na yung mata nya one's a day lang din po pinapahid sa mata ni baby. Thankyou sa mga sumagot Godbless y'all πŸ™β€οΈ

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

ganyang cream din ung nakapagpagaling sa baby ko 😊

VIP Member

nagkaganyan din si baby pinacheck up ko and niresetahan din ako ng gamot. Sa mercury lang din meron nun. Nung nasa taguig pa kami ang pinakamalapit lang na mercury samin ay nasa city hall pa. kaya ang layo ng binibilhan namin ng gamot ni utoy. 2 weeks after, gumaling din naman si baby

3y ago

baby ko.po di nagkaganyan

Ntural po sa newborn ang gnyan mams kasi gnyan din bb ko pinapahiran ko lng po sya ng bulak binabasa konpo sa wilkins na tubig.. mwawala lng din yan po..at massage nyo po sa may mata nya papunta sa ilong nuod po kayo sa youtube😊

hello momshie ganyan po ang baby ko gnawa ko lng po pinatuluan ko ng gatas ko unti tapos nagpacheck up kmi sa pedia nya sabi sa akin punasan lng ng dry clean cloth and now ok na po ung mata nya nagmumuta pero unti nlang

nagka ganyan din Po baby ko. blocked tear ducts lng Po. pinamassage lng Po skin 3x a day TAs pinupunasan Po Ng warm cotton sbi Ng pedia in 2weeks time Po nwala nman.. bsta Po dpt lgi lng malinis tska namamassage Po

ganyan dn po yung anak ko,. 1 week palang nagmumuta na,, pintakan ko lang po ng breast milk ko hanggang mawala, tas nililonis ko. sana po makatulong,, pero mas maige nadn po yung ma pa check talaga po kau.

VIP Member

pahanap ka na lang po sa mercury kung u tlg ang nireseta..or second opinion ka po..wipe niyo po ng malinis na cloth na basa para matanggal..very gentle lang po pag wipe sa mata ni baby para di masaktan..

VIP Member

Nag ganito mata ng baby ko, muta and maga. walang mark ng insect bite and mukhang hndi nasasaktan baby ko, sabi ng Pedia namin, warm compress/ clean warm water 3x a day. ayun, Isang araw lang nawala na.