asking

Mga momsh, yun mga baby nyo din po ba nakaranas ng ganito? Yun para syang pula pula sa mukha.. normal lang po ba yun? Sabi kasi singaw daw dahil sa init ng panahon

asking
13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende sa skin type ng bby sis . Minsan yung mga ganyan . Sensitive parang baby ko . Una ganyan ganyan lang kala ko wala lang kse sabe ng mama ko . Normal daw mawawala din nmn daw . Ayun kumapal dumami nagkron syang ( ATOPICDERMATITIS)

VIP Member

Depende po yan.. pwede po sa nahihigaan. Sa hangin po. Panahon o sa init. Minsan allergy.. minsan po parang pimples na need tlga lagyan ng cream.. better pa check nyo po sa pedia if ndi po nawawala ...

VIP Member

May ganyan si LO ko now, 2 weeks old siya. Sabi normal naman daw. Nilalagyan ko ng milk before siya maligo. After a month kapag di nawala papacheck ko na siya sa pedia.

VIP Member

Yes nagka ganyan baby ko, sabi pedia sa init nga kaya araw araw ko sya pinalaliguan hanggang sa nawala nalng. Pero mas ok pa check up mo pa din kasi iba-iba case natin

Yes. Sensitive kasi ang skin ng baby. Punasan mo ng milk mo mommy. Ibabad mo mga 5 mins before sya maligo para mawala.

nakukuha sa panahon lalo na paiba iba at meron po binigyan sakin desowen mabisa at epektibo

Yes po. Nung first few weeks nya po pero mawawal din po yan

Pa check up niyo po para sure at kawawa naman si baby

Cetaphil baby soup nalng sabon mo sis.

Post reply image
5y ago

Oo sis bumili nga ako ng ganyan.. mejo nawawala na sya.. sa init nga siguro ng panahon to

Hinde naman naexperience ng baby ko yan