Nahimatay rin ba kayo?

Mga momsh tanong ko lang kung madalas kayo mahilo. Kasi ako halos araw araw nahihilo nagttake naman ako ng vitamins ko sobrang low blood ko ata. 70-60 ako minsan. Tapos kanina habang namimili ako sa tiangge nahilo ako akala ko kaya kong pigilan bumagsak hindi pala. Buti ksama ko kapatid ko nakaalalay sakin bumagsak pala ako. Buti tuhod naitukod ko. Paggising ko ang dami ng tao di p ko makapaniwalang nahimatay ako. Agaw eksena p ko sa tiangge kanina.. nakakahiya.. hindi ko alam kung nausog ako. Kasi nung nagkamalay ako nakita ko nalang ung babaeng nilawayan tyan ko, tapos naging normal n ulit ako bgla nawala hilo ko. Sabi nausog daw akoo. Haaay

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

drink lots of water, at least 3 liters daily para hindi ka madehydrate.