Hi mga momsh sino po same case ko. 😢 FTM po ako, baby ko kasi sobrang iyakin. Napapatahan po ng lola nya pag umiiyak, pag ako, madalas hindi. 😟 Medyo nakakasama lang ng loob na sabihan ka ng pag ako daw may hawak kay baby puro iyak nalang daw ginagawa. 😢😢 Ayaw nya daw sa kin, mabigat daw kamay ko magbuhat. Kaya ngayon pag ka naiiyak na si baby ko, natatakot na akong kargahin sya dahil sa mga sinasabi nila, 😢😢 Parang napapahiya lagi ako pagka umiiyak si baby at ayaw tumahan sakin😖😖Sinasabi pa nila na hindi ako marunong mag alaga pag may mga pumupunta dito. Sobrang napapahiya ako lagi. Feeling ko wala na akong kwentang ina sa baby ko 😥😥
#advicepls
#firstbaby
#pleasehelp
#1stimemom