PAGPAPATAHAN KAY BABY
Hi mga momsh sino po same case ko. π’ FTM po ako, baby ko kasi sobrang iyakin. Napapatahan po ng lola nya pag umiiyak, pag ako, madalas hindi. π Medyo nakakasama lang ng loob na sabihan ka ng pag ako daw may hawak kay baby puro iyak nalang daw ginagawa. π’π’ Ayaw nya daw sa kin, mabigat daw kamay ko magbuhat. Kaya ngayon pag ka naiiyak na si baby ko, natatakot na akong kargahin sya dahil sa mga sinasabi nila, π’π’ Parang napapahiya lagi ako pagka umiiyak si baby at ayaw tumahan sakinππSinasabi pa nila na hindi ako marunong mag alaga pag may mga pumupunta dito. Sobrang napapahiya ako lagi. Feeling ko wala na akong kwentang ina sa baby ko π₯π₯ #advicepls #firstbaby #pleasehelp #1stimemom