PAGPAPATAHAN KAY BABY

Hi mga momsh sino po same case ko. ๐Ÿ˜ข FTM po ako, baby ko kasi sobrang iyakin. Napapatahan po ng lola nya pag umiiyak, pag ako, madalas hindi. ๐Ÿ˜Ÿ Medyo nakakasama lang ng loob na sabihan ka ng pag ako daw may hawak kay baby puro iyak nalang daw ginagawa. ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข Ayaw nya daw sa kin, mabigat daw kamay ko magbuhat. Kaya ngayon pag ka naiiyak na si baby ko, natatakot na akong kargahin sya dahil sa mga sinasabi nila, ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข Parang napapahiya lagi ako pagka umiiyak si baby at ayaw tumahan sakin๐Ÿ˜–๐Ÿ˜–Sinasabi pa nila na hindi ako marunong mag alaga pag may mga pumupunta dito. Sobrang napapahiya ako lagi. Feeling ko wala na akong kwentang ina sa baby ko ๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅ #advicepls #firstbaby #pleasehelp #1stimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy.. wag mo po isiping wala kang kwentang ina sa baby mo kase ikaw po nagdala sa kanya ng 9 months. Since first time mom, madami pa po tayong di alam possible nga po na isa duon ang tamang pagkarga sa baby. Ganyan din po ako dati.. pagnaiyak si baby si mil lang nakakapagpatahan. Ginawa ko nagpaturo ako papano ba dapat. Tapos pagnaiyak.. tinatry ko best ko para tumahan sya. Iyakin po kase talaga bata pagnew born. Nag aadjust pa po kaya ganun. Matututunan nyo din po yan. Wag po kayo papanghinaan ng loob kase tayong mga babae natural saten pagiging mommy. Makakabisado nyo din ni baby ang isaโ€™t isa.

Magbasa pa