Stress sa buntis?

Mga momsh. Sino po dito yung stress ng 1st tri until 2nd tri pero normal naman po ang baby? Kasi nag aalala po ako kasi panay iyak ko po kasi at stress mula 1st tri gang now na 17 weeks po ako. Nag aalala po ako sa baby kung ano mangyayarr saknya. Please help po. #firstbaby #FTM

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Salamat mga momsh. Kami din kasi di din kami okay ng LIP ko. Minsan nagsasalita ng di maganda ang partner ko, tho di naman nya ko sinasaktan, pero kasi yung mga salita nya minsan nasasaktan ako. Sana maging okay din para sating mga mommy ang lahat. Praying for safety po sainyong lahat. Wala lang po kasi ako mapaglabasan ng nararamdaman ko. Thank you po mga mamsh.

Magbasa pa