Stress sa buntis?
Mga momsh. Sino po dito yung stress ng 1st tri until 2nd tri pero normal naman po ang baby? Kasi nag aalala po ako kasi panay iyak ko po kasi at stress mula 1st tri gang now na 17 weeks po ako. Nag aalala po ako sa baby kung ano mangyayarr saknya. Please help po. #firstbaby #FTM

as a teenage mom nung first trimester talaga sobrang stress talaga lalo na't may strikto kang tatay. iyak ako ng iyak at kahit pigilan ko hindi ko talaga maiwasan. tuwing tutulo na yung luha ko nag sosorry nalang agad ako kay baby at kinakausap na sana kumapit lang sya. and now kahit na tanggap na ng parents ko at ayos na kaming lahat ngayong mag ti-third trimester na ako naiistress pa din ako paminsan minsan. samin ng partner ko dahil hindi padin kami nag kakasama sa iisang bubong. tho may inuunti unti nang bahay dito sa bakuran (bahay ng parents ko) para samin hindi ko parin masisi yung partner ko kung nalulugmok sya. sya lang naman kasi ang nagtatrabaho at mas naiistress sa pag babudget ng sinasahod nya. kahit ayaw nyang madamay ako sa stress nya sa pera di rin maiwasan kapag pinagtalunan na namin yung about sa pagsasama namin. naiintindihan ko naman sya at the same time pero di ko mapigilang lumaban kapag nadadamay nya yung magulang ko sa hinaing nya. pero at the end of the day naman sya rin ang humihingi ng tawad. hopefully makahinga hinga na kami ng maluwag kahit papano sa bahay na hindi matapos tapos. ang mamahal na kasi ng materyales sa panahon ngayon. inuuna pa namin yung sa pagbubuntis ko.
Magbasa pa
