36 weeks ba pwede na manganak?
Mga momsh? Sino po dito nanganak ng 36 weeks? Kumusta po mga baby niyo? Nagpacheck po kasi ako kahapon at pagka-ie sakin, 1cm na daw ako. 36 weeks palang tummy ko. wala namang dugo lumabas, pero may nararamdaman ako konting paghilab ng tyan ko. Mga momsh, pwede na kaya manganak ng 36 weeks?

36 weeks and 4 days ako nanganak mommy. Okay naman kami ni baby. Sabi kasi ng OB ko technically naman daw 9 months na si baby. Ganyan din nangyari sakin, pagka IE sakin nag 1cm ako kinabukasan tapos mag brown discharge na lumabas. Nag labor ako kinagabihan and nanganak kinabukasan.
Mommy puwede naman pero kadalasan emergency birth yan. Please consult with your doctor para siguradong healthy kayo ni baby at ready na po kayo manganak. Ito po ang guide namin para sa week 34-36 ng pagbubuntis: https://ph.theasianparent.com/sintomas-ng-buntis-ng-36-weeks
okay lang yan ... 1cm palang naman eh ...kaya nahilab yan ung cnasab na naghahawan na c baby ng dadaanan nya ... 😊 pati mas ok na umanak ka ng advance kesa late ... ganyan kase aq ..at awa ng dyos healthy nmn baby ko ...
Matagal pa yan sisbif close pa cervix mo.. Pray most nlang na madagdagan ka pa weeks para magsakto ka ng 37 weeks.. Wag ka muna magkikilos ng mabigat para di sya matagtag at umabot ka sa full terma..
same here sis normal po ba sana may makasagot 36 weeks and 4 days pag ihi ko may discharge ako dugo ngaun nanibago po 13 years kasi ulit bago nasundan
Since 1cm pa yan sis, medyo matatagalan pa ng konti. Pero pwede ka nang maglakad lakad as form of exercise as preparation nadin. Don't worry too much Ma, nasa 9th month ka na ☺️
I gave birth to my eldest at exactly 36weeks po,5cm na kasi ako nun. normal delivery and no complications naman po,and she's turning 10 years old na this year.
36 weeks and 5 days poh ako now mga momsh, natural lng poh ba na my lumabas na dugo ksma sa pag ihi??sana poh may mkabasa,, slmat poh
hi po mga momshi tanung lang po ako 36weeks po buntis asawa ko ng anak npo xa poseble po bang anak ko un or hindi kasi d po xa tama sa bilang ng kabuwanan nia?
meron naman po nangangank ng 36 weeks normal naman at walang problma. ako nga mas gusto ko mapaaga manganak eh hehehe kahit mga 37 or 38 weeks nalang .
paabutin nyo po 37 weeks. ako kasi 2cm na, 1 week na din walang hilab sakit lang ng pwet at singet paninigas din ng tiyan walang tigil
Ako mga momshie 36 weeks palang pero open cervix nako 1cm daw sabi ng midwife kanina kaya pala madalas manakit at tumigas tyan ko
Domestic diva of 1 handsome son