39 Weeks And 2 Days No Sign Of Labor

Hello mga momsh, no sign of labor pa rin. Malapit na edd ko June 16. Nakakatulong po ba to pineapple chunks para ma dilated na ako? Wala kasi mautusan bumili ng real pineapple fruit hehe. Mas okay pa yata to ky sa del monte juice? Mataas daw kasi sugar content non eh. Sino #TeamJune dyan. Kaway kaway?‍♀️

39 Weeks And 2 Days No Sign Of Labor
43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here.. Due date June 18.. No sign of labor din.. Tried Evening primrose. Wala.. Lakad lakad nlng tlga at squats.. Kapit lng mga sis.. Praying for everyone.. Safe taung lahat.. 💕

5y ago

Sana nga sis willing na si baby lumabas at ng makaraos na tayo. 🙏🏻🙏🏻

@mommy yashie ganun ba yun momsh, kahit bumaba na si baby ng 4cm may possibilities na mag close cervix ka ulet? Nakaka stress nga talaga yan, baka ayaw pa talaga ni baby lumabas.

Wag kayo kumain sa lata, pag kabukas niyo i-transfer niyo agad sa plate. Sabi sa jessica soho nakakalason daw yung pagkain kapag sa lata kayo kumain. Sharing is caring. Haha

5y ago

Thanks momsh, 😊😊😊

Same here. Ayoko din sana macs pero closed cervix at no signs of labor padin ako. Haay baby wag mo na ko paghintayin gusto na kita makita

5y ago

Worried lang akong mCS as long as di kami mauwi sa cs okay lang :3

Wag ung sa lata momsh.. if u want na galing sa lata, isama mo siya sa ulam gaya ng pininyahan or adobo. Mas okay sana if fresh pineapple.

5y ago

Thanks momsh, sana maka bili ng pineapple fruit talaga. Hirap kasi pumuntang palengke Walang masakyan.

Eow momshie to be mas mainam kumain ka ng lucban o pomelo maglalabor ka agad yun lang kinain q ng gabi den madaling araw nanganak na aq

5y ago

Parang Di ko bet lasa ng lucban momsh hehehe. Yes konti lang ako kumakain ngayon prutas man o kanin gawa ng natatakot ako baka lalo lumalaki si baby mahirapan ako umire.

Ako nga rin po nag aalala na, ayaw pa bumaba ni baby tho may 1 week pa naman ako pero nakaka stress din gusto ko na siya makita

Same here ate 3 days to go duedate kuna super worry ko 😔 Kase baka maoverdue ako ayun iniisip ko haist sana lumabas na si baby

5y ago

Goodluck momsh, bukas pa check up ulet ako. Sana naman kahit induce muna E recommend ni doc bago yung Cs. Nung last check ko pa naman sinabihan ako na outright Cs ang the best para saken gawa ng high risk ako nagbuntis at twice ng nakunan.

38weeks and 3 days... No sign of labor.. Panay tigas lng ng tyan ko.. Gusto q na din makaraos bka kc lumaki masyado c baby

5y ago

same 38 weeks pero no sign of labor pa din .. sana makaraos na

Super Mum

Mas maganda po yung fresh pineapple talaga sis. Try mo din yung excercise na activating labor on youtube.

5y ago

Thanks sis, I'll try baka mag work saken. 🤗🤗