BUDGET OFFICER
Mga momsh share ko lang strategy ko kay mister para ako pahawakin niya ng budget.? Dati kasi hati kami sa gastusin sa bahay pero nung mabuntis ako inako niya na gastos sa bahay groceries at foods basta ako mag iipon ng pera para sa panganganak ko at magpadala sa mama ni hubby ng 25k at 13k sa mama ko. Same kami may business at parehong galing sa parents ni hubby yung mga hawak naming mga negosyo. So nung siya na gumagastos hindi niya binibigay sa akin yung budget sa bahay tapos pag magogogrocery , mamalengke, at bibili foods tsaka siya naglalabas ng pera hindi naman regular din yung pamimili ,kung kelan niya lang maisipan. Kaya ang sabi ko sa sarili ko okay lang kung yun gusto niya kaya ginagawa ko kung ano nasa ref yun niluluto ko, kung ano nandiyan yun kainin. Di rin ako nagrerequest ng kahit ano. Kahit shampoo di ako nagpapabili kung ano gamit niya yun na rin gamit ko. Amoy lalaki tuloy ulo ko.lol. Laki ako sa hirap kaya no problem saken kasi mindset ko na yung kung ano lang kaya yun lang ang pagtiyagaan. Minsan pag di siya namalengke at wala mailuto lalabas ko yung bagoong tapos mamimitas ako ng talbos ng kamote sa bakuran namin yun uulamin ko, di naman siya kumakain nun. haha.Medyo laki sa maalwan n pamumuhay si hubby. Sabi ko wala ka naman binili , wala rin binigay sa akin kaya kung ano nandiyan magtiis. Kanina pancit canton at footlong ulam namin e halos araw araw nalang ganun, yun kasi nakastock sa ref. Halos ayaw niya na kumain, sawa na rin siguro. Tapos inaaya ako mamalengke then maya maya sabi niya, bigay ko sayo budget. Magkano ba? sabi ko ikaw humahawak di mo natatrack magkano gastos natin? hindi daw. So sabi niya bigyan niya ko 10k for foods dapat mgkasya daw til end of this month. Hahaha, suko din siya sa pagbudget. Kaya kayo mommy tips ko lang based on personal experience wag niyo awayin 'yaan niyo marealize niya na mas kaya niyo magbudget. Pero kung kayo yung tipo na gastador din at maarte. Ipaubaya niyo na kay mister kung mas may kakayahan siya talaga. Ps. di naman mahigpit sa pera si mister at yung business nga namin na kanya kanya pero galing sa magulang niya wala din audit at sa amin na talaga yung pera di pa lang natatransfer ownership, insurance din yung 25k na pinapadala ko sa mama niya at support naman yung sa nanay ko na 13k kung tutuusin pwede ko pa din bilhin mga gusto kong kainin at mga materyal na bagay gamit pera ng business na hawak ko pero di din ako maluho na tao at iniipon ko nalang o dinadagdag sa puhunan.