SSS MATERNITY BENEFITS.

Mga momsh sana po pansinin nyo yung post ko. FTM and hindi ko alam gagawin ko paano mag apply sa SSS. Bigla kasi ako nagresign, paano ko po mababago yung status ko from employed to voluntary? And paano ko malalaman Kung ilang months pa ang need ko hulugan Last hulog ko is JANUARY 2023 EDD: SEPTEMBER 2023

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kapag nag bayad ka ng isang contribution automatic magbabago dapat yung status mo. Pwede ka magbayad sa Bayad Center, icheck mo din sa online payment channels kung meron kasi ang alam ko meron yan sa GCash. Pls note na tumatanggap ang SSS ng late payment pero hindi yan masasama sa mat ben. Sa retirement na siya masasama. Sana nakapag bayad ka pa nung Feb at March para mas malaki makuha mo. Pero April na, hindi na masasama sa mat ben ang late payment kasi. Yan chart ang tignan mo para malaman mo kung ilang buwan ang nahulugan na maccount sa matben. Sa SSS online, meron doon maccheck mo yung estimated amount na pwede mo makuha. Take note, estimate lang yun, kung walang late payment o any other issues, most probably yun ang makukuha mo.

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

easiest way yan kesa magpunta ka sa sss office. pay ka lang, it should change na. ganun sa akin kasi, kahit isang hulog lang nagbago naman agad status.