help

Hello mga momsh! Pwede ba akong humingi ng tulong/advice sa inyo? Mage8 months preggy na po ako,since nagkaquarantine,yung gamit ng baby ko di pa kompleto, hindi naman na po ko makabili kasi di ko sure if tuloy pa din yung sahod namin kahit walang pasok kasi private po work ko,wala na akong budget☹ kung meron man di din ako pwede lumabas , ang need ko lang naman para sa baby ko yung baby dress/baru baruan nya , kasi halos ng damit nya nasa Province ko pa po,kasi plano nun dadalhin ng mama ko dito sa Q.C. eh kaso nawalan ng byahe kaya di na natuloy. Malaking problema din kung saan ako manganganak kasi nakakatakot na sa mga hospital.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako momsh.. 27 weeks na ako ngayon, ang gamit palang ni baby na nabili namin is 6 na tiesides,1 receiving blanket,2 onsies binili pa namin yan bago mag quarantine sa taytay. Kasi balak ko sana talaga by march katapusan na bumili sa divisoria Kaya lang ito nga naabutan ng quarantine... ang ginawa ko po is nagpabili ako kay hubby ko sa mercury drug ng mga gagamitin sa hospital if ever bigla ako mapaanak or kung tatagal pa tong quarantine. Mga pinabili ko sa mercury is betadine, alcohol, babyoil, cotton, cottonbuds, baby wash tska ung babyflu na petrolium di ko sure if sapat na un mga yan pero atleast if ever man may magagamit na din kahit papano. If sa cloths namn talaga ang need mo try mo hanapin sa instagram ung page na peppr.ph. jan po nagdedeliver sila ng baby cloths na personalized kaso limited orders lanv tinatanggap nila. So inquire ka nalang muna. Mabait namn admin jan at nagrereply din.

Magbasa pa
5y ago

Ok po .try ko