Posible Kaya?
Mga momsh, posible po ba na hindi hiyang si baby sa Aveeno Cleansing Therapy Moisturizing wash? Kasi after nya mavaccine at macheck na atopic skin sya, from Cetaphil ung body wash nya, nag change ako ng aveeno dahil nga atopic skin sya. 2nd day nya palang ung aveeno ginagamit. Pero biglang naglabasan mga butlig sa katawan nya. Dati nung cetaphil sya wla naman sya butlig masyado. Sa mukha lang. Now halos buong katawan meron butlig pero kokonti palang naman. Tas nag Mustela din ako now for atopic. Pero nung Aveeno palang nalalagay ko kasi kakabili ko lang ng Mustela eh, nagkabutlig butlig na sya. So hindi ako sure kung dahil saan. Dahil ba sa Vaccine na 6 in 1 or sa Aveeno. 6 weeks palang si baby ko. Kakainis lang kasi kesa gumaling sya sa Mustela dahil atopic skin nga sya eh nadadagdagan pa. So ttry ko ulit mag Cetaphil bukas. Mamaya kasi pag punas nya ng hapon Aveeno pa din gagamitin ko para complete ung cycle a day sa sabon. Tas bukas pag hindi nabawasan mga butlig nya, Cetaphil gamitin ko. Haist.
Soon To Be Mama - 1st Time Mama