Memory gap sa pag inom ng gamot

Mga momsh, pano technique nyo para di makalimutan uminom ng gamot or di mapasobra ng inom? Madalas kasi nawawala sa isip ko kung nakainom na ba ako or hinde 🤣 minsan feeling ko parang nadoble inom ko 😅

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gumagamit ako ng calendar. Susulatan ko kung pang-ilang araw na at yung gamot/supplement (code lang) na ininom sa araw na yun. Bilang ko din lagi yung tablets pati yung natitira pa at sinusundan ko yung pattern ng pag-inom ko kaya kahit di ko nalalagay sa calendar agad, nalalaman ko kung nakainom na ko o hindi pa. Magkakahiwalay rin ng lalagyan (plastic containers) yung mga iniinom ko tapos lagi akong nagsasalita mag-isa kada inom. Sinasabi ko lang, "Nakainom na ko ng (pangalan ng gamot)". 😂

Magbasa pa