Mittens?

Mga momsh palabas ng inis, naiinis ako sa asawa ko pano ba naman momsh 4 months n si baby jusko gusto pa i mittens(kasi yung mukha ni baby puro kalmot) maliit na bagay lang kung tutuusin ito. Sabi niya "baka daw mapano yung mata" at kesyo makalmot daw. Sabi ko naman "kaya nga kailangang bantayan". Sabi niya "hindi naman lahat ng oras nababantayan" Sabi ko naman "kaya nga kailangang bantayan, hindi na kailangan ng mittens at dinedevelop niya na sense of touch niya" Sabi niya "kahirap ko daw paliwanagan" with matching dabog pa yun mga momsh. Jusko pano ba naman kasi kung magbantay siya hawak phone niya eh talagang makakalmot ni baby mukha niya. ako nga di magkandaugaga sa ginagawa ko eh. Kaya nga nandiyan siya para magbantay. Kung nagets niya dapat bawasan niya pag gamit ng phone niya eh hindi eh abay maghapon ang hawak ng phone. Maryosep na buhay to oo. Walang katiayaga tiaga magalaga ng anak jusko po. Nauubos oras sa pagtulog at pag hawak ng phone. Hay naku kakainis lang mga momsh. Ang lamutakin yung mukha! Sarap batuhin. Hahaha

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nailcutter nlng kung mahaba ung koko wala kc mittens c lo ko nung ng 2 months na sya pag mahaba ng ung koko gupit agad 🤣regards sa tatay na puro cp hahaha relate aq ganyan din asawa q pag nag babantay or buhat c bb hawak cp kaasar db.kaya minsan pinapagalitan q tlga ung asawa ko kaso wala tlga ganyan tlga games is life kung baga haist

Magbasa pa

putulan nyo nlng po ng kuko si baby if mahaba na at nkakalmot ang mukha. concern lang po siguro asawa mo ganyan talaga sila at tama din nmn na hindi laging nkatingin ka sa baby kahit binabantayan mo, minsan accidents do happen. maliit na bagay nga lang na pwede gawan ng solusyon kaysa pag awayan.

2 months palang tinanggal ko na yung mittens. Kasi nga kelangan talaga madevelop ang sense of touch nya. Pero ginagawa ko lang yan kada umaga tsaka pag hindi mahaba ang kuko. Pero pag gabi, after ko punasan, ibabalik ko ulit kasi naka aircon kami pag natutulog. Baka lamigin hehe

Para hindi po kayo magaway ni hubby pag sya bantay, lagyan mo Ng mittens. Kapag turn mo na naman tanggalin mo. I agree na dapat wala ng mittens basta nababantayan para di makalmot mukha kase nageexplore na Yan at that age una nila napapansin kamay nila

5y ago

Opo momsh sundin ko na pang advice mo. Hehe salamat po momsh para wala din samaan ng loob ni hubby. Godbless po 😇

Hindi po dapat patagalin ng 4 months mamsh. Masyado over protective... 1-4 weeks lang po ang mittens kasi dun po nanggagaling ang germs tapos isusubo ng baby hays. Sa pedia ko, 1 week pa lang po, pinatanggal na. 3 pairs lang binili ko na mittens

5y ago

I agree momsh. Yung baby ko po kasi palagian ang subo sa kamay kapag antok na siya lagi niya kinakamot face niya. Kaya lagi ko pinupunasan yung kamay. Cut ko naman nails niya momsh 2times a week. Hindi naman grabihan ang gasgas sa mukha namumula lamg. Saka ang init ng panahon pasmado na yung kamay na nanlalamig. Haysss

2weeks palang wala na mittens si baby pero hindi naman puro kalmot ang mukha baka mahaba ang nails niya me moms? Then si hubby pagsabihan modin na kapag si baby ang time si baby walang phone jonting oras lang naman yun kamo.

Baka kaya nakakalmot e mahaba kuko ni baby. Putulan kuko para iwas kalmot at para di na kailangan ng mittens. Sa init ngayon kawawa naman at nakamittens pa. 4 months na napakahabang panahon naman na para suotan pa mittens

Yung mga kapatid ko mga 5mons ata bago totally hindi na pinagamit ng mittens .. Pag natatanggal kasi yung mittens nila nagugulat .. nilalamig ata .. palibhasa mga tag ulan pinanganak .. 😁😁😁

5y ago

OA... wag po gayahin ang 5 mos. 2 weeks pa lang pinapatanggal na ng pedia. Madaming germs yun at nadedelay sense of touch ng bata. Baliw.

VIP Member

Lakas din ng topak mo mommy haha ✌🏻 Kung aq sau mas ok ung gsto ng asawa mo mas ok na d nasusugatan unh muka nya.. kaya nga po may mittens eh ikaw tlga.. wag pairalin ung init ng ulo ..

5y ago

Di naman iinit ulo ko momsh kung di ako pagdadabugan. Hahaha Nakakainit kaya ng ulo yung pagdadabugan ka. Baka di niyo pa natry?🤭 Di naman siya nasusugatan namumula lang ang mukha ni baby napakainit din ng panahon nagpapasma ang kamay. Lahat ng babies nagdadaan sa ganung stage diba momsh. So tiagaan lang talaga magbantay and bamtayin talaga yung ganitong age. 🤔

Ako c Lo mga 2-3mos tinaggal ko na po mittens binabantayan ko nlng paghaba ng kuko dali kase humaba.. pag usapan nyo nlng po kelangan pdin bantayan para po sure