breastfeeding-tumigil ang milk-momsh help :(

Mga momsh, pahelp naman po :( kumonti kasi unh breast milk ko :( and nagiging masakit na pag nagfefeed ako kasi siguro dahil konti nalang ung lumalabas, unsatisfied na si baby, yan tulog medyo busit ung bata. :( Help naman padvice anong pwedeng gawin. Nagwarm compress nako, naninigas lang pero hindi madami like before. :( May factor ba ung dati akong PCOS??? thank you

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Baka po mali din position mamsh kasi sabi mo masakit pag nagfifeed si baby. Try other position po. Stay hydrated din mi. Kung naninigas po baka engorged ang breast nyo kaya nahihirapan din si baby. Try to hand express po muna before feeding.

Lagi ka po higop ng mga sabaw momsh.. Saka malunggay po.. Sabi ng matatanda nakakatulong yun para magkagatas.

May sabaw na ulam, mdming tubig, milo at natalac malunggay capsules 😂😂