out of topic
Mga momsh need ko lang ng mga advice or feedbacks nyo regarding sa loan na inapplyan ko, ganito po kasi yun nag apply po ako ng loan with an amount of 3k but they just credited my gcash account ng 1000 something lang sobrang laki ng kaltas ika cancel ko na san kahit super need ko that time kaso na disburse na nila sa gcash ko and binigyan ako ng 14 days na loan term so ngayon overdue ako ng 2 days, one day overdue pa nga lang sobrang demanding na yung representative na nag message sa akin, nag explain naman ako at humingi ng konting consideration kasi di ko talaga maharap ngayon kasi malapit na ako manganak bawal ako mag tricycle, malayo kasi sa amin yung bayan eh mama ko lang kasama ko dito and she's not able to travel para lang pumunta sa 7/11 or any bayad centers, nag explain naman na ako na babayaran ko din within this week isabay ko nalang sa check up ko this friday para atleast may service ako, pero itong representative sobrang adamant, at sinasabing kakasuhan akong estafa.. though it's my bad pero dapat hindi ganon ang pag respond sa customer dipo ba? Nagpakilala pa syang sya ang manager, ang pagkaka alam ko hindi ganon makipag usap ang isang manager.. Sa tingin nyo po is it possible na kasuhan ako ng estafa?