ako lang ba?

mga momsh, nakakaramdam rin po ba kayo ng pananakit ng dede? ganito po kasi yon, last week nanigas yung left breast ko (di ko kasi gaano naipapadede kay baby dahil masakit nipple ko) so sa isip isip ko baka dahil puno na ng gatas kaya nanigas. pinadede ko na kay baby, tiniis ko nalang yung sakit ng nipple ko. eh di nung nadede na lumambot na sya, pero napakasakit, iyak ako ng iyak habang dumedede sakin si baby. after non nilamig ako at nilagnat ng mataas. pero nawala din naman lagnat ko kinagabihan, kaya the next day okay nako, magaling nako. then nung sunday naman po, after ko din magpadede kumirot yung left breast ko. sobrang kirot, ang hirap nya itolerate, di ko maexplain yung kirot pero sandalian lang nawala din. tapos kahapon po ng umaga, nagpadede ulit ako hindi na empty ni baby yung breast ko dahil nakatulog sya agad so pinump ko po and hand express. pero kumirot nanaman sya this time po namilipit nako sa sakit at hindi makatayo hanggang sa nagkandaiyak na ko. hinot compress ko na pero wala pa rin. sobrang sakit. tapos ang tagal bago nawala yung kirot, siguro mga ilang oras din. nag aalala po ako baka mastitis na. mahina lang po milk ko, sa 20mins 10ml or less lang po nakukuha ko.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hilot hilutin mo mamsh saka punasan mo ng towel na mainit. Ganan nangyari saken skbrang sakit hirap pa tumayo dahil parang sobrang laki ng nakapasan sa dibdib ! Ngayon tolerable nalang yung sakit and kapag nakirot alam kong lalabas na yung gatas kaya naglleak na siya

Or baka clogged milk ducts.. wag ka magpump mamsh. Baka nag oover supply ka na kaya d nauubos ni lo yung gatas mo.. hand express lang po

VIP Member

Baka may clogged ducts ka mamsh, ipatingin mo na yan sa lactation consultant

Baka mastitis na po yan