Kagat Ng 4mons golden retriever

Hi mga momsh nakagat Yung anak ko Ng pet namin maliit lang sya pero tinanong na namin sa espesialista bukas sched kung tuturukan ba anak ko 3yrs old anak ko. May naka exp. Naba dito Ng ganun? Ano po ginawa nyo? Worried kase Ako now lang po nakagat. Salamat po pls. Respect

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh same experience here 3 years old ang anak ko most of the time even if fully vaccinated ang pet nyo you still have to give your child po ng anti rabies shot kasi po hindi natin sure kung gaano kalalim mas maigi po ang nakapag paturok sa hindi if ang kagat ng pet is mula balikat pataas need nya maturukan within 24 hours as much as possible po pa turok nyo na wag kayo matakot . Mas nakakatakot kasi ang nag papakakampante tayo ๐Ÿ˜Œ wag ka mag alala mamsh ayos na si baby after nyan ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa

Bakunado ba ung pet nyo momsh? But for peace of mind if I'm in your position I'll have my kid injected with anti-rabies kahit maliit lang ang sugat. Usually dalawang klase na inject yan eh..yuNg isa is anti-tetanus... if namaga ung area naman plus antibiotic pa yan... Anyway, after the injection protected na yung LO mo for a year... 3x balik sa sched and need to adhere to the sched po...

Magbasa pa

kung worried ka po , paturukan niyo po anti rabies vaccine yung anak niyo for peace of mind niyo po . mas nakakastress po kasi yung isip ng isip . and wala naman pong bad effect sa bata ang anti rabies . last time n nag paturok ako dami kong nakasabay na mga bata mostly 5 years old pababa

1yr and 5mos baby panganay ko Ng nakagat sya ng alaga naming pusa. pinadoctor agad namin. 4 times kami pabalik2 para sa injection nia. and advice sa amin kailangan observe namin Yung pusa kung nanamlay ba or walang gana Kumain tapos ingatan na daw si baby na di na makagat ulit.

As a furparent, hindi naman po lahat nang aso may rabbies hehe lalo na kung yung aso ay alaga nyo lang at wala naman problema sakanya. Pero kung nagwoworry po kayo ipaturok nyo nalang po anak nyo nang anti rabbies

Yung pamangkin ko turning 2yrs old,di nman nakagat parang scratch lang pero para makasigurado pinaturukan na nila ng Anti-rabbies. Buti nalang walang rabies yung dog.

If I were you kahit vaccinated ang dog,still I ensure my own child safety.Kaysa ka magbali ng daliri pa inject nyo parin ng anti rabies ang anak nyo po.

anak ko 2 yrs old nkagat Ng aso,pinaturok namin anti rabies sa center,now kampante na ako safe na sya ..

Related Articles