Need advice
Mga momsh. Nais ko lamang po humingi ng advice. Tama po ba magiging desisyon ko kung sakali ilabas ko sa hospital ang anak ko? Pina check up ko po kasi ang anak ko ngayon sabi may sakit daw NEONATAL PNA. Ngayon inadmit siya sa hospital ngayon simula kasi naturukan ng mga antibiotic nag seizure ang anak ko. Bilang isang ina malakas ang kutob ko na nag seizure ang anak ko dahil di niya kaya dosage ng gamot. Tinest na siya sa blood lahat normal. Ngayon gusto nila kuhanan ng tubig sa likod ang anak ko pero di ako pumayag. Gusto ko kasi ipa 2nd opinion. Kasi normal naman lahat ng resulta. Nga pala inadmit ko lang ang anak ko dahil nanamlay lang siya bigla. Kung sakali po ba tama ba magiging desisyon ko na di tapusin ang days ng gusto ng doctor at ipa 2nd opinion nalang muna ang baby ko. Awang awa na kasi ako sa anak ko lalo na normal naman ang mga test sa kanya. Wala rin po kaming lahi ng kahit anong sakit sa utak. Gusto ko lang po ng advice kung tama ba ang gagawin kong desisyon na ilabas nalang ang anak ko kung normal naman ang mga test niya maliban sa hindi namin pagpayag na kuhanan siya ng tubig sa likod. Maraming salamat sa inyong sagot.. #1stimemom #firstbaby #theasianparentph #advicepls
Excited to become a mum