Fetal Doppler

Hello mga Momsh, nagamit din po ba kayo ng fetal doppler para mag monitor ng heart beat ni Baby? Ilan weeks po ba dapat bago madetect ng fetal doppler ang heart beat ni Baby? #

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes, gumamit ako nung 13wks si baby kasi hindi ko pa ramdam yung movements nya. Pero sa 13wks mahirap pa hanapin ang heartbeat, sanay lang ako kasi nagwork ako sa maternity clinic. Once or twice a week ko lang din gamitin. Nung 17wks nararamdaman ko na si baby kaya nagstop na rin ako magdoppler.

13 wks ako nagstart gumamit may knowledge naman ako sa fetal heart tones at alam ko saan ang placement. 16 weeks advisable para madetect. tsaka kung di mahanap wag pilitin, masstress ka lang paturo muna sa ob kung paano magdetect at paano ang tamang pag tuon.

May nabasa po ako di magandang palaging nagdodoppler kaya ako po kapag check up lang. Basta 10 movements per hour si baby ibig sabihin okay po siya

14weeks ako nung unang try kaso di pa ma detect . Nagtry ulit ako ngayon lang 20weeks. dinig na dinig na.🥰